Ara Mina, To Love Again album
Wala palang exclusive contract si Ara Mina sa GMA-7 kaya pala anytime ay pwede siyang mag-guest sa ABS-CBN tulad noong nakaraang Linggo kung saan niya ini-launch ang 2nd single niyang "To Love Again" sa ASAP.
Mismong staff ng Siete pa ang nagkwento sa amin na napakaganda raw ng production number ni Ara sa ASAP last week dahil halatang binigyan daw ng importansiya ang sexy singer ng Sony BMG Records.
"Panalo ang production number ni Ara, kasama ang cover boys ng Star Magic, kaya lang, bakit dun siya, hindi sa SOP?" eksaktong say sa amin.
Tinanong namin si Ara tungkol dito at ang paliwanag niya, "Ay wala po akong exclusive contract sa GMA, per show lang po ang kontrata ko at saka ang Sony/BMG ang nakipag-negotiate sa ASAP regarding my album launching, hindi yata ma-accommodate sa SOP kasi marami na sila roon.
"Wala naman pong problema sa GMA kasi alam naman nila ang kontrata ko at saka alam po nila yung pagi-guest ko sa ABS anytime. Hindi naman conflict ang Bubble Gang at Family Zoo sa ASAP kaya okey talaga."
So, maliwanag na hindi pag-aari si Ara ng Siete at dalawang programa lang pala ang regular show niya.
Samantala, isi-celebrate ni Ara ang kanyang 15th year anniversary sa entertainment industry next year at sa Araneta Coliseum ito gaganapin sa pamamagitan ng major concert na talagang pinaghandaan ng dalaga dahil as early as June this year ay nakikipag-brainstorming na siya sa production people dahil kakaiba raw ang concept na gusto niya. — REGGEE BONOAN








Subscribe to Post Comments [Atom]
0 Comments:
Post a Comment
<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES