Judy Ann Santos ‘Favorite Actress of the Year’ sa 2006 Readers Choice Awards ng YES!
Si Judy Ann Santos ang tinanghal na ‘Favorite Actress of the Year’ sa 2006 Readers Choice Awards ng YES!
Nag-excuse lang saglit si Juday mula sa taping niya ng Ysabella sa White Plains para tanggapin ang kanyang plake sa NBC Tent tapos ay balik-taping ulit siya that night.
Wala ang nobyo niyang si Ryan Agoncillo dahil ito ang kinukunan sa Ysabella taping.
Si Aga Muhlach ang ‘Favorite Actor of The Year’ na dumating kasama ang beautiful wife nitong si Charlene Gonzalez, na nanalong ‘Best Dressed Female’ nu’ng gabing ‘yon. Si Raymond Gutierrez ang ‘Best Dressed Male.’
Sabi sa amin ni Ms. Sharon Cuneta, hindi siya sanay sa mga ganu’ng party pero nandu’n siya dahil mahal niya ang YES! magazine.
Magkasunod na dumating sina Ara Mina at Polo Ravales (na nag-‘cool off’ nu’ng Pebrero 9). Ayon sa dalawa, mas okey sila ngayon kesa nu’ng mag-on sila dahil hindi sila nag-aaway. Maganda raw ang relasyon nila kahit hindi sila nagkabalikan. Link is here.








Subscribe to Post Comments [Atom]
0 Comments:
Post a Comment
<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES