Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Get your own Chat Box! Go Large!

Sunday, March 04, 2007

Judy Ann Santos hindi Box-Office Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation

MARAMING fans ni Judy Ann Santos ang nagulat kung bakit hindi ang aktres ang pararangalang Box-Office Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation since alam naman ng lahat kung gaano kalaki ang inakyat na pera ng dalawang pelikula nito last year, ang Don’t Give Up On Us with Piolo Pascual at Kasal, Kasali, Kasalo with Ryan Agoncillo, both from Star Cinema.

As we all know, ang pararangalang Box-Office Queen ay sina Kris Aquino and Claudine Barretto for Sukob at ang Box-Office King naman ay si Vic Sotto for Enteng Kabisote 3.

Sabi ng nagugulimahanang fans, baka raw bumangon sa hukay si Mr. Guillermo Mendoza dahil sa nangyayaring kababalaghan.
Maging ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo ay nagtataka kung anong milagro na naman ang naganap.

It’s a known fact na natalo ng KKK ang EK3 sa takilya, pero sa halip na si Ryan ang parangalang Box-Office King, si Vic ang napili.

“Natatawa lang ako kasi ano naman ang batayan nila? Lumutang talaga ang kawalan nila ng kredibilidad. Everbody knows top grosser ang KKK over Sukob, eh, may Don’t Give Up On Us pa si Juday.

“One movie vs two? Why Vic Sotto, not Ryan? ’Di atat si Juday sa award na ’yan, ’no!” sabi ni Tito Alfie.

May hinala ang kampo ni Juday na baka naman daw nagtampo ang jurors ng Guillermo nang hindi makarating ang young superstar nang parangalan ito as Box-Office Queen for Isusumbong Kita sa Tatay ko with Fernando Poe Jr. maraming taon na ang nakararaan.

Buhat daw nu’n, hindi na nanalo pa ang aktres bilang Box-Office Queen at mukhang pinersonal na si Juday.

“Kailangan nilang magpaliwanag. Now na!” say pa ni Tito Alfie. By: Vinia Vivar

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES