Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, August 26, 2008

Marjorie Barretto ituturo na ang mga kalaban?

Tahasang nagpahayag si Marjorie Barretto sa The Buzz na walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanya, buong-ningning niyang sinabi na wala silang relasyon ni Mayor Recom, kaya wala ring katotohanan ang kuwento tung­kol sa mansiyon na diu­mano’y ibinigay-iniregalo nito sa kanya.

Pero may bagong pahayag na binitiwan ang konsehal ng District 2 ng Caloocan, alam na raw niya kung sinu-sino ang mga taong nagpapakalat ng mga ganung kuwento, yun daw ang dalawang taong nagpaplanong tumakbong mayor ng Caloocan na dahil walang masilip na butas sa serbisyo ni Mayor Recom ay namemersonal na lang.

“Kilala ko na sila ngayon, alam ko na kung sinu-sino ang mga taong naninira sa akin. Punumpuno na ako, hindi na nila ako puwedeng gamitin, kaya nagsasalita na ako ngayon.

“I want to put a stop to it, right now, right here, da­­hil masyado na silang namemersonal. Sila ang mga taong nagpaplanong tumakbong mayor, sila ang nag­papakalat ng mga ganung kuwento,” madiing paha­yag pa ng aktres-pulitiko.

Napakalinaw magpaliwanag ni Marjorie, tahimik na tahimik sa buong studio habang ipinalalabas ang panayam sa kanya ng kaibigang Boy Abunda, kapag may interes ang mga tao sa nagsasalita at sa paksang tina­talakay ay puwede kang magbagsak ng aspile sa gitna ng studio na maririnig mo ang tunog dahil sa sobrang katahimikan ng paligid.

Klarung-klaro magpaliwanag si Marjorie Barretto, kapatid nga siya nina Gretchen at Claudine, dahil pag­katapos nilang magsalita ay naiimbita nila sa kanilang panig kahit ang kanilang mga kalaban.

Sa susunod ay pangalanan na kaya ni Konsehal Mar­jorie ang dalawang taong ayon sa kanya’y may planong tumakbong mayor ng Caloocan kaya ngayon pa lang ay sinisira na ng mga ito ang kartada ng nakaupong mayor at kinakaladkad pa ang kanyang pangalan?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES