Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, November 29, 2008

Ang Tanging Ina N’yong Lahat, sa Metro Manila Film Festival

“LOL” o “Laugh Out Loud” ang reaction ng press na nakapanood ng trailer ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat, entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, dahil sa mga nakakatawang eksena.

Ipinauna ni Direk Wenn Deramas na hindi political ang pelikula at hindi sila gumamit ng President Gloria Macapagal-Arroyo jokes at gumawa sila ng sariling problema at katatawanan, pero may relevance sa lagay ng bansa ngayon.

Klik pa rin ang tandem nina Ai-Ai at Eugene Domingo at madalas, sila ang nagbabatuhan ng lines sa mga salawikain ng una bilang si Ina Montecillo.

Hindi umaasa si Ai-Ai na magwi-win ng best actress dahil mas importante sa kanila ni Direk Wenn na magustuhan (at kumita) ang pelikula.

Bonus na lang daw ’pag nanalo siya.

Purple ang political color ni Ai-Ai at dumating siya sa presscon na ganu’n ang kulay ng damit pati borloloy ng buhok.

Iba-iba ang ayos at kulay ng kanyang buhok dito at maraming damit ang ginamit sa shooting na inireklamo ng EP dahil mahal.

Tanging Ina Nyong Lahat teaser trailers:






[via]

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES