Ryan Agoncillo, idinepensa ni Judy Ann
SINA Fanny Serrano at Mary Ann Pagsibigan ang co-owners ng Rev’lation, distributor dito sa ating Lupang Hinirang ng bagong produktong iniendorso ni Judy Ann Santos -- ang Scents & Blends.
Tinanong ng yours truly si Tita Fanny kung bakit si Juday ang napili nilang endorser ng Scents & Blends?
“Eh, kasi si Juday, maganda, kamukha ni Angelina Jolie (napa-oooh ang lahat ng nakikinig na ikina-blush ni Juday).
“At saka, malapit na siyang ikasal. So, ’yun ang parang preparation sa kanyang married life na mag-aalaga ng mga baby.
“Kaya kailangan, mga produkto ng mga baby ang kanyang aasikasuhin, lalo na nga ang Juday’s Baby Line collection including Scents & Blends,” sey ni Tita Fanny.
Kailan ba ang kasal nila ni Ryan?
“Malapit na, ’noh!” bulalas pa ni Tita Fanny.
“Papunta na ru’n,” nangingiting sambit naman ni Juday.
Ano ang mase-sey ni Juday du’n sa pakikipagtukaan blues ni Ryan kay Valeria, the Argentinian beauty na ginamit ng Pinoy Fear Factor production staff para tuksuhin ang TV host-actor?
“Mabuti na lang hindi ko napanood ’yung episode na ’yon. Pero alam ko naman, in fairness kay Ryan, he told me everything and I believe him and I trust him a lot.
“Kasama sa trabaho ’yon, eh, may mga ganu’ng factor na hindi mo naman mahahawakan ’yung mga oras na pagtitripan ka ng mga tao sa paligid mo and sina Direk Lauren Dyogi, tatay-tatayan ko ’yan, naniniwala akong hindi niya isasadsad si Ryan sa isang bagay na alam niyang ikagagalit namin, ikagagalit ko at magiging dahilan ng pag-aaway namin.
“So, naiintindihan ko ’yon at ang importante, they all had fun and nothing happened na hindi maganda, so, ’yon lang ’yon, okay na ’yon,” depensa ni Juday sa labs niyang si Ryan.
Oo nga naman. Kung napapanood n’yo si Ryan gabi-gabi sa Pinoy Fear Factor, lalo na ang pakikitungo nito sa mga female participante at ilang babaing Argentinian, tipong makikita mo sa fez at kilos nito ang famous line na... “trabaho lang, walang personalan,” tsuk!
[via]
Labels: Ryan Agoncillo








Subscribe to Post Comments [Atom]
0 Comments:
Post a Comment
<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES