Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, November 30, 2008

Sam Milby, binalikan si Anne

Nakausap namin si Sam Milby last Friday pagkatapos niyang mag-guest sa awarding ceremony ng 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN at may good news na ibinalita ang heartthrob tungkol sa estado nila ng ex-girlfriend na si Anne Curtis.

“To let you guys know, nag-usap na kami ni Anne,” nakangiting kuwento ni Sam.

Hiningi namin ang detalye ng pag-uusap at nagbigay naman siya ng ilang impormasyon.

“Nagkausap kami pagkatapos ng Trade Show nu’ng last Tuesday ba ‘yun? Ako ‘yung nag-initiate ng talk coz siyempre naman, I’m the guy. Kasi, in a relationship, kahit sa friendship lang, di ba, dapat may communication kasi kapag nawala na ‘yun, it can ano, di ba?”

Ayaw nang idetalye ni Sam kung ano ang napag-usapan nila, pero base sa masasayang ngiti niya, mukhang okay na ulit sila.

“It was a good talk, mahaba, ang dami naming napag-usapan, lahat kailangang pag-usapan, napag-usapan. And we’re okay.”

So, sila na ulit?

“Hindi. But we’re okay.”

Balik na ba sila sa exclusively dating?

“Hindi. We’re friends.”

Kinukulit-kulit pa rin siya ng press kung ano ang kanilang napag-usapan pero ayaw na niya talagang mag-elaborate pa.

“I don’t need to give details about our talk coz I think it’s personal, it’s really for us. We said everything we need to say, I said everything I need to say, I just want to let you guys know na we had a good talk and we’re okay.

“But you know, kung ano ang mangyayari sa buhay namin, if we get back, if we just become friends, ‘yun ang mangyayari. I can’t predict the future, I don’t know what’s gonna happen. Basta we’re okay and everything’s fine.”

Sa tanong kung si Anne pa rin ang Dyosa ng kanyang buhay, ang sagot ni Sam, “there’s no other girl in my life naman.”

Klinaro rin namin kay Sam ang issue na inirapan niya sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez nang mag-guest siya sa The Buzz, at heto naman ang panig ng Fil-Am actor.

“With Kris, nandu’n ako sa The Buzz, and I know that, parang I didn’t think that she was happy with me pero when I saw her, when she was coming towards me, I was talking to Tito Jobert (Sucaldito), when I saw Ate Kris coming, I turned to her and she’s like this (sabay-muwestra ng aksyon ni Kris na nakikipag-usap sa cel-phone), may kinakausap siya sa cellphone.

“So, akala ko, ayaw niya akong kausapin. So, okay. So, I just turned to Tito Boy and talked to him. And I turned back around and she’s walking right past me. Ganyan pa rin (minuwestra niya ulit kung paano makipag-usap si Kris sa cel). So, akala ko, ayaw niya talaga.

“And then she talked to me, and then I made her beso afterwards, she thought I was going to snub her. Kaya nagulat ako na she thought I was going to snub her.”

With Ruffa, wala raw siyang matandaang inisnab niya ito kaya nagulat daw siya na may ganu’ng isyu siya sa aktres/TV host.

“I don’t know, I don’t remember snubbing her,” he said.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES