Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 01, 2008

Ai-Ai vs Tito, Vic and Joey sa MMFF 2008 topgrosser

WALANG Christmas party for the movie press si Ai-Ai delas Alas. Magiging sobrang abala raw kasi siya sa promo ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat na entry ng Star Cinema for this year’s Metro Manila Film Festival.

‘Eto na ‘yon. Hindi na ako magpapa-party. Basta sa next presscon natin, may pa-raffle ulit ako sa inyo,” pahayag ng komedyana pagkatapos niyang magpa-raffle ng cash prizes sa unang presscon ng kanyang pelikula.

At least, marunong mag-share ng blessings si Ai-Ai, huh!

During the presscon, inamin ni Ai-Ai na kabado siya sa kanyang latest movie. Pressured siya pati na rin ang direktor na si Wenn de Ramas dahil sa laki ng kinita ng Tanging Ina four years ago.

“Siyempre, hindi maiiwasang i-compare ‘yung kita ng Tanging Ina at itong Tanging Ina N’yong Lahat, di ba? Pero si Lord na ang bahala. Dadagdagan ko na lang ng dasal,” wika ni Ai-Ai.

May dalawa pang comedy films na pasok din sa filmfest -- ang Desperadas 2 at ang Iskul Bukol: 20 Years After. Ito ang makakalaban ng pelikula ni Ai-Ai. Pero base sa feedback, mukhang mas magiging neck-to-neck ang labanan nina Ai-Ai at Tito, Vic and Joey.

Ready na ba siya?

“Naku, bahala na talaga si Lord. Kung ano ang gusto N’ya, tatanggapin ko na lang,” simpleng pahayag ni Ai-Ai.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES