Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, December 28, 2008

Angel Loc­sin nagpasaya ng mga paslit

Taun-taon naging kaugalian na ni Angel Loc­sin na bigyan ng kasiyahan ang mga bata. This year, naging tema ng kanyang proyekto ang Bata, Bata Magpahayag at Magdiwang Kasama si Ate Angel, ATBP sa St. Mary & St. John Cathedral Hall sa may Trinity College, Quezon City noong December 21, 2008.

Ang mga urban kids ay galing sa iba’t ibang lugar gaya ng Riverside at Tambo sa Parañaque, Pansol at Kaingin sa QC, Riverbank, Marikina at Sto. Niño.

Nagkaroon ng programa gaya ng song presentation, story telling, parlor games, at work­shop kung saan sumali ang magandang aktres at siyempre pa nagkaroon ng gift-giving.

Ang layunin ng pagdiriwang ayon pa rin kay Angel ay ang pagbibigay-halaga sa mga karapatan ng mga bata. Kaya naman good karma ang aktres ay dahil sa pagiging mapagkawanggawa nito sa pamamagitan ng kanyang Gabriel activities at ang taun-taong pagpapasaya sa mga bata kung saan malapit sila sa puso ng aktres.

* * *

Ipinagmamalaki ni Angel ang kagandahan ng Bukidnon bagama’t hirap ito sa syuting dahil walang ilaw at pagsapit ng gabi ay kapa na siya ng kapa ng mga gamit. Nasa liblib na pook ang kanilang location pero doon siya nakaramdam ng kasiyahan dahil tahimik at napakaganda ng lugar.

May maiinit na eksena sa Love Me Again at mas daring pa ito sa unang lovescene na ginawa sa pelikula noon nina Angel at Richard Gutierrez.

“Ninerbiyos po ako at bilang babae hindi po ako nabastusan at isang art yung ginawa namin. Maswerte ako dahil si Piolo (Pascual) ang kapareha ko. Napaka-gentleman nito at siya pa ang nagko-cover sa akin kung kinakailangan,” sey ng aktres.

Pagkatapos manalo sa Star Awards for Television dahil sa Maalaala Mo Kaya ay maraming nagsasabing baka makakuha ng mga acting awards si Angel sa Love Me Again dahil ang galing-galing ng naging atake niya sa karakter niya at talagang inalagaan ang mga eksena ng direktor nilang si Rory Quintos.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES