Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 29, 2008

Anne Curtis hindi mabitiwan ang Best Actress trophy

Dahil ‘yon ang kauna-unahan niyang award sa loob ng 12 taon niya sa showbiz, hindi mabitiwan ni Anne Curtis ang kanyang best actress trophy mula nang tanggapin niya ito hanggang sa makausap siya ng press sa katatapos na 34th Metro Manila Film Festival Awards Nights sa Hotel Sofitel kamakalawa.

Para kay Anne, lalong naging makabuluhan ang kanyang award dahil mga bigating aktres ang nakalaban niya tulad nina Dawn Zulueta, Maricel Laxa at AiAi delas Alas.

Kitang-kita naman na sobrang nasorpresa si Anne nang ang pangalan niya ang tawaging winner for Best Festival actress dahil sa pagganap niya sa pelikulang Baler na nanalo rin bilang best picture at nag-uwi ng sampung award out of 19 awards -

Pumapagitna ang kanyang iyak sa kanyang thank you speech. “I wanna say thank you, of course, to my Viva Family, to Boss Vic, Ate Veronique, Boss Vincent for entrusting me for a role like this and putting me in such a wonderful movie. Direk Mark Meily, thank you so much. My Mama Betchay. I wanna thank also Mr. Genuino (anak ni PAGCOR Chairman Efraim Genuino) for also, having us for this project. Thank you so much. And I dedicate this to my family. This is my first ever award for my twelve years that I’ve been in the business. Thank you so much!” sabi pa niya sa kanyang speech na hanggang sa matapos ang awarding ceremonies hanggang sa lumabas siya ng venue ay hawak niya ang trophy.

Sabi ni Anne nang tsikahin siya, never siyang nag-expect na mananalo dahil malakas ang bulung-bulungan bago ganapin ang awards night na delayed nagsimula na si AiAi delas Alas ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat ang mananalo.

“I don’t know what I said. Kung ano na lang ang lumabas basta I’m super thankful! Thankful to the Lord talaga! Without Him, I don’t think this would be possible with the talents that He has given me,” sabi ni Anne sa mga nakausap niya.

Gayunman, sinabi ni Anne na masaya rin siya para sa kanyang leading man na si Jericho Rosales kahit hindi ito ang napiling best actor na ang award para rito ay napunta kay Christopher de Leon para sa Magkaibigan.

Kabilang sa napanalunan ng Baler and Best Picture, Best Director for Mark Meiley, Best Editor, Best Production Design, Best Cinematography, Gender Sensitive Award, Best Supporting Actor for Phillip Salvador, Best Screenplay for Roy Iglesias, Gatpuno Award.

Sa paghahakot ng awards ng Baler, inaasahang makakahabol ito sa takilya dahil sa unofficial ranking ng MMFF, nasa pang-lima ang pelikula ng Viva Films at Bida Productions.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES