Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 30, 2008

Break-up nina Anne Curtis, Sam Milby nagbunga ng Best Actress trophy

PINAKAUNANG nagbigay ng thanksgiving party sa press among the 8 MMFF entries ang Baler ng Viva Films na nanalo ng 10 awards sa nakaraang MMFF awards night, including the best picture, best director, best actress (Anne Curtis) at best supporting actor (Phillip Salvador). Present pareho sina Anne at Ipe sa victory party samantalang hindi nakadalo si Jericho Rosales dahil kasalukuyang nasa U.S. ito for a vacation.

For sure, malaki ang nagawa ng 10 awards ng Baler dahil naeenggan-yo ang publiko na pa-noorin ito. At sa ngayon nga ay balitang nasa top-4 na sa box-office ranking ito.

Natutuwa kami, most of all, for Anne dahil ito ang first acting award niya ever.

At maski nga siya ay hindi makapaniwala ka-ya ‘di niya napigilang umiyak sa kanyang acceptance speech.

Tama nga ang hula namin na si Anne ang magiging darkhorse sa Best Actress trophy pagkatapos naming mapanood sa premiere night nito ang Baler sa Podium bago mag-Pasko.

Malamang nakatulong ang break-up nila ni Sam Milby para lalong mailabas niya ang tamang emosyon sa pelikula lalo na sa eksenang nagkahiwalay na sila ni Jericho Rosales dahil ramdam na ramdam namin ‘yon sa acting niya.

“Everybody is asking me about that. Ang totoo, hindi ko na inisip ang break-up namin ni Sam at nag-concentrate na lang ako sa paggawa ng movie. For 2009, may gagawin akong pelikula where sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsey naman ang kapareha ko. Mabuti na ito para bago naman ang ka-team-up ko,” pahayag ni Anne na hindi naman isinasara ang pintuan sa possible reconciliation nila ni Sam in the future.

Tama rin ang hula na-min na si Ku-ya Ipe ang mananalong best supporting actor na nagkataon namang first ever Best Supporting Actor award na natanggap niya, dahil pu-ro lead roles lang ang na- gampanan niya in the past.

Tama nga ang desis-yon ng Viva Films na isama siya sa Baler pagka-tapos ng pitong taon na hindi niya paggawa ng pelikula.

“God is good! Sa totoo lang, nagtampo ako noon sa MMFF kasi ni hindi man lang ako na-nominate noon sa Rubia Servios namin ni Vi (Governor Vilma Santos). Pe-ro, after so ma-ny years, heto at nagkaroon ulit ako ng MMFF entry at this time nanalo ako,” pahayag ni Ipe na ang next TV show na gagawin niya ay either sa ABS-CBN or sa GMA-7 raw.

We also agree na deserving manalo si Mani-lyn Reynes ng best supporting actress award.

Nang nanonood kami ng premiere night ng One Night Only sa Megamall ay humanga na kaagad kami sa pagganap niya bilang tomboy na karelas-yon ni Jennylyn Mercado.

Mukha talaga siyang t-bird at nakatulong ang pagiging chubby niya sa pag-astang isang tibo.

We heard from a source na second choice lang pala si Manilyn sa role na ito at dapat daw ay si Aiza Seguerra ang gaganap nito.

But we doubt kung mananalo si Aiza ng award sakaling siya ang natuloy, kasi alam naman ng lahat na tunay na tibo si Aiza kaya alam mong hindi na siya uma-arte.

Whereas si Manilyn na alam ng lahat na isang ina at babaing-babae, kaya napabilib niya ang jurors nang mag-astang lalaki siya. Obvious na hindi ini-expect ni Manilyn na ma-nanalo siya, kasi hindi siya dumalo sa awards night.

Lastly, gusto na-ming i-congratulate ang animated film na Dayo na nanalo ng 4 awards: Best Musical Score; Best Movie Theme-song (na inawit ni Lea Salonga); Best Visual Effects at Best Sound Recording.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES