Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, December 10, 2008

Cristine Reyes, apektdo sa pagkamatay ni Marky

Hindi alam ni Cristine Reyes na may bago nang boyfriend ang ate Ara Mina niya tulad ng naisulat ng kasamahang Leo Bukas dito sa People’s Tonight.

“Talaga? Wow! Eh di maganda, masaya ako para sa kanya. At least, may love life siya and happy siya.”

Naitanong namin tuloy kay Cristine kung kailan ba sila huling nagkita ng ate niya dahil hindi niya alam ang nangyayari sa buhay nito.

“Teka, kelan ba kami huling nagkita? Wala, ano, text-text lang,” say niya.

Kung sakali ay ipakikilala naman daw siguro sa kanya ng ate niya ang bagong boyfriend at hihintayin na lang daw niya ‘yun.

At kung sakali ring mapagdesisyunan daw nito na mag-asawa na ay okay na okay din daw sa kanya dahil nasa edad na rin naman daw ito.

Tungkol naman sa love life niya, zero pa rin daw ito after Dennis Trillo. May issue nga ngayon na fake daw ang break-up nila at nagulat din ang young actress sa issue.

“Paano nila napatunayan? Nakita ba nila kaming magkasama? Hindi na, wala na talaga. Wala na as in, wala na akong balita sa kanya kahit text, wala na kaming communication.”

Naiirita ba siya na may hindi pa rin naniniwala na break na sila?

“Hindi naman, hindi naman ako naaapektuhan sa mga ganyang issue. Mas apektado pa ako sa nangyari kay Marky Cielo kasi, mabait ‘yun, eh,” sabi ni Cristine.

As we all know, kalilipat lang naman ni Cristine bilang Kapamilya mula sa Kapuso at kilala niya siyempre si Marky. Nakasama na niya ito sa SOP at bagama’t hindi raw sila naging close, alam daw niyang tahimik at mabait itong tao.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES