Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 02, 2008

Edu Manzano open na ang relasyon kay Pinky?

Marami ang nag-react ng maganda nang matapos tanggapin ni Edu Manzano ang kanyang double award for best game show and best game show host sa katatapos na 22nd Star Awards for Television ay pinasalamatan niya ang ilang mga tao, ang kanyang mga anak at maging ang newscaster na si Pinky Webb for inspiring him.

Si Pinky at isa pang artista ang nag-present ng award sa kanya.

Matagal nang natsitsismis ang dalawa pero palagi nila itong iniiwasang sagutin kundi man direktang dinidedma. Pero sa pagkakataong iyon, sa ginawang pag-acknowledge ni Edu sa newscaster, nabigyang sagot ang matagal nang itinatanong sa kanila.

Nagpalakpakan ang marami, umugong ang bulungan, at nang pagtuunan ng kamera si Pinky, kahit walang galit na nabakas sa kanyang mukha, halatang hindi ito pabor sa ginawa ni Edu. Sa sobrang kasiyahan naman sa kanyang award, hindi na ito nabigyang pansin ni chairman Doods.

Bukod kina Edu at Pinky, nagbigay kulay din sa awards night ng PMPC ang pagdating na magkasama nina Luis Manzano at Angel Locsin na pareho ring winners, ang una for best male talk show host (Entertainment Live, ABS-CBN) at si Angel for best actress in a single performance (Maalaala Mo Kaya, ABS-CBN). Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Angel si Luis for making her happy.

Ito rin ang buod ng speech ni Ogie Alcasid who won best comedy actor para sa Bubble Gang ng GMA7. Pinasalamatan niya ang mahal niyang si Regine Velasquez.

Masaya ang naging kaganapan sa katatapos na TV Star Awards. Bukod sa marami ang sampalataya sa mga nanalo rito, isang malaking kagalakan sa lahat ng miyembro ang pagdalo ng maraming malalaking artista at ang magandang pagkakadirek ni Al Quinn ng awards night.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES