Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 08, 2008

Ina ni Jomari Yllana, boto kay Pops

NAKA-PHILIPPINE flag jacket si Jomari Yllana na dumating sa Divas 4 Divas concert noong Sabado sa Araneta Coliseum.

Suporta raw iyun sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao dahil very positive daw siyang matatalo nito si Oscar De La Hoya.

Siyempre, para kay Pops Fernandez ang suporta niya nu’ng gabing iyun at kasama pa ni Jomari ang kanyang Mommy.

Boto rin daw ang ina ni Jomari kay Pops at wala itong tutol sakaling gusto na nilang magpakasal.

Pero ganu’n pa rin naman ang sagot ng dalawa na wala sa plano nila iyun at ine-enjoy lang muna nila ang isa’t isa.

Ikinuwento na rin ng aktor na 99% na raw ang pagkatuloy ng ipu-produce niyang concert nina Martin Nievera at Pops. Sa Valentine’s Day daw ito naka-schedule at hindi raw siyang nahirapang kumbinsihin ang dalawa na magsama na isang malaking concert.

Anyway, tanging si Kuh Ledesma lang ang walang maipakitang karelasyon na sumuporta sa kanilang concert nu’ng gabing iyun.

Kung may Jomari si Pops, nandu’n din si Dolphy para kay Zsa Zsa Padilla at siyempre si Ogie Alcasid para kay Regine Velasquez na may pinakamalakas na palakpak at tili nu’ng gabing iyun.

In fairness, walang nagsasapawan sa kanilang apat pero si Regine pa rin ang angat sa lahat at may pinakamaraming fans na nanood.

Muntik nang napaiyak si Kuh bago natapos ang kanilang concert dahil matagumpay nila itong nairaos sa kabila ng maraming problemang hinarap nito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES