Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, December 03, 2008

Jericho Rosales, maraming bawal gawin

Marami palang bawal gawin si Jericho Rosales bilang isang Kristiyano. Bawal mag-sign of the cross kahit trabaho lang, bawal makipag-love scene, bawal ang kisssing scene at kung anu-ano pa.

Kaya nga raw nagkaroon pa ng pilitan factor sa isang eksena sa ginagawa nilang pelikula ni Anne Curtis, ang Baler na isa sa walong kasali sa Metro Manila Film Festival dahil sa eksenang kailangan niyang mangurus. Ayaw daw gawin ni Jericho nung una, pero wala raw namang nagawa ang aktor nang sabihin sa kanyang kailangang-kailangan sa eksena at trabaho lang ‘yun.

‘Yun namang tungkol sa love scene nila ni Anne, aba tumatanggi rin daw si Jericho. As in, ayaw din nitong gawin dahil labag na ‘yun sa paniniwala nila bi­lang Kristiyano. Pero dahil trabaho ‘yun at tinanggap niya ang pelikula, natapos naman daw ng maayos ang love scene nila ni Anne na leading lady niya.

Actually, hindi naman daw kaartehan ang issue kay Jericho kundi may mga spiritual adviser pala siyang sinusunod. At kabilang dito ang grupo nila Piolo Pascual at Sam Milby ayon sa bulungan ng mga taga-showbiz.

“Ang ayoko lang naman, ginagamit pa nila ang Diyos,” comment ng isang beterano na sa showbiz pero gulat sa mga paniniwala ngayon ng mga katulad ni Jericho.

Saka maraming nagtataka na bakit ngayon lang sila nagkakaroon ng mga ganyang paniniwala saman­talang noong ipinanganak naman silang Katoliko ay kilala na nila ang Diyos.

Anyway, sa awa naman ng Diyos ayon sa isa pang source ay natapos din ang pelikula kahit ang daming kondisyon ni Jericho na hindi naman nasunod dahil sa simula pa lang ay alam na niyang gagawin niya naman daw ang mga eksena.

Besides, general patronage ang target ng pelikula kaya hindi naman talaga siguro malaswa ang love scene nila ni Anne.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 11:50 AM, Anonymous Anonymous said...

bagay na bagay pla sa kanya ang pa-aartista.

sobrang maarte.

masamang trabaho pla napasukan nya.........hehehehe

 
At 2:02 PM, Anonymous Anonymous said...

magaling cguro kung magpari nalang sya?

ung bang nagdadasal muna bago magmasturbate......hehehehehe

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES