Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 08, 2008

Karylle muntik sumablay!

Halatang ninenerbiyos si Karylle habang kinakanta ang Lupang Hinirang sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar De La Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas kahapon.

Pati tuloy kami, ninerbiyos din habang kumakanta siya dahil any moment, puwedeng sumablay ang singer-young actress.

Good thing, maayos namang naitawid ni Karylle ang kanta at bumawi siya sa bandang huli dahil buong-buo na ang boses niya’t tila nawala na ang kaba.

Sa kabuuan, okay naman ang kanyang rendition at hindi masasabing nagpahuli siya sa iba pa nating mahuhusay na artist na umawit ng Lupang Hinirang sa mga previous na laban ni Pacman.

’Yun nga lang, kapansin-pansin na habang umaawit si Karylle, hindi siya gaanong nai-focus sa screen dahil kung anu-anong video clip ang ipinapakita.

Anyway, pinatunayan ni Pacman sa laban kahapon na siya pa rin ang world boxing champ dahil tinalo niya ang kapuwa world champion na si De La Hoya.

Sumuko ang tinaguriang “Golden Boy” bago simulan ang 9th round dahil sa bugbog na inabot mula kay Pacman.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 8:11 AM, Anonymous Anonymous said...

naroon kce si dingdong eh kaya cguro prang na-emote sya...........hehehehehehe

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES