Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, December 26, 2008

Karylle nakatanggap ng dalawang marriage proposals sa Las Vegas

BAGAMA’T may pain after a failed relationship with Dingdong Dantes, may maganda ring dulot kay Karylle ang pagi-ging single niya ngayon.

Big change na dala ng kanyang pagiging single ay ang paglalantad ng kanyang kasek-sihan na kitang-kita sa pictures at billboards ni-ya being the latest female endorser of Bench Body. Para kay Karylle, single is sexy.

Proud and happy nga si Karylle na kinuha siya ng Bench Body para maging endorser.

“It’s always been a dream of mine to be a Bench endorser. I’m very, very proud of Bench. Napakaganda ng quality. And very comfortable to wear. I’m so happy,” pahayag ni Karylle.

So, tuluy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy?

“Hindi naman. Hanggang photo shoots lang muna.”

Kung may offer ng sexy roles , tatanggapin ba niya?

“Hindi ko pa kaya now. Tingnan natin next year.”

How about sexy covers for magazines?

“Meron akong three covers na lalabas pa lang pero hindi naman totally sexy. Actually, may offer ako na sexy talaga. Pero huwag muna.”

Kumusta na ang lovelife ngayon?

“Flattered kasi ang daming umaaligid!”

Speaking of mara-ming umaaligid, natatawa ngang ikinuwento ni Karylle ang kinalaman ng ‘being single is sexy’ sa kanyang unforgettable experience nang kantahin niya ang Philippine National Anthem sa Manny Pacquiao vs. Os-car dela Hoya fight sa Las Vegas.

“Nakakatawa. Kasi noong nandu’n ako sa Vegas para kay Pacquiao... sa lobby when you’re going out kasi mahaba ‘yon eh. And you know two guys proposed marriage to me. ‘Yong isa Mexican. Sabi niya, ‘Do you mind to marry a Mexican?’ Tapos ‘yong isa pa ay Pinoy at lumuhod pa sa harapan ko. Kaya nga naisip ko talaga, single is sexy. Sabi pa niya, ‘Is it okay if I propose to you?’ Natawa naman ako. So, parang inire-relate ko lang ‘yong experience ko as a single girl.” Ano ang naging re-aksyon mo sa pag-propose ng dalawang guys?

“Hindi ko kinaya. Kasi ‘yong isa ay Mexican pa, parang kunwari... hindi naman sa may away. Kumbaga after ng Ateneo versus La Salle fight... Pinoy versus Me-xican fight, may ganung feeling.

“Hindi mo maa-avoid ‘yong ganu’ng feeling. And you know as I was walking... kasi nga sobrang crowded. May isang group of guys nga ang gumawa ng paraan para ma-kadaan ako. Sabi nila, ‘Let the lady pass.’

“Talagang nagbukas sila ng path for me. Sabi ko, ang haba ng hair ko! Natatawa lang ako kasi first time na nangyari sa akin ‘yon na two in one day,” pabirong pahayag ni Karylle.

Hindi ba nag-ask for date ‘yong dalawang admirers?

“Hindi naman. Na-kita naman nila na isa akong dalagang Filipina. Lalo pa naka-Filipiniana gown pa ako,” pagwawakas ni Karylle sa aming panayam.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:13 PM, Anonymous Anonymous said...

panget naman ni karylle eh

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES