Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 30, 2008

KC Concepcion: Bumalik ka sa Pilipinas at mag-showbiz, says God

NAKAUSAP namin si KC Concepcion after her performance sa Katy: The Musical Concert na ginanap matapos ang awards night ng 34th Metro Manila Film Festival.

Excited pa rin si KC sa katatapos niyang performance at elated dahil nakasama niya ang mahuhusay na performers tulad nina Mitch Valdes, Dulce, Rachel Alejandro at marami pang iba.

Nalaman namin from KC na nakapag-shoot na sila ng dalawang araw pa-ra sa movie nila ni Richard Gutierrez for GMA Films na idinidirek ni Joel Lamangan.

Inamin ni KC na med-yo naninibago pa siya da-hil she’s working for GMA Films.

“Kaya naintindihan ko na kung bakit si Chard naiilang noong nasa ABS-CBN Star Ci-nema kami. Sabi niya, bakit may mga babae? Iba ang energy dito sa set namin now kasi puro lalaki ang crew. Talagang ang production people namin puro lalaki, unlike sa una naming film, nandoon si Ate Shayne, so meron akong ate figure. Dito, puro straight all-boys crew so naga-adjust pa rin ako in the same manner na nag-adjust si Chard when we were doing our movie for Star Cinema,” kuwento ni KC.

Kumusta ang shooting?

“Second sequence pa lang, pinaiyak na ako ni Direk Joel Lamangan. Crying scene na agad ang ipinagawa niya sa akin. Tapos umagang-umaga pa lang nagmumura na si Direk. Kasi ‘di ba si Direk Joel very strict. So, talagang kailangan behaved na behaved ka. Very disciplined. Kailangan always on time. Kung puwede, mas maaga sa call time. Tapos sa iba’t ibang lugar pa ang location na-min,” pahayag pa ng da-laga.

Pero challenge naman daw sa kanya at isang ba-gong experience working with Direk Joel, kasi nga istrikto ito.

Ibinalita rin ni KC na may gagawin siyang te-leserye with Piolo Pascual. Ayaw pa sana niyang mag-salita tungkol dito, pero sabi niya, nalaman na raw pala namin. Sabay raw ni-yang gagawin ang movie with Richard at ang teleserye with Piolo. MWF ang iskedyul ng shoot niya sa movie. TTHS naman ang eskedyul ng taping for the teleserye.

Ayon pa kay KC, naka-pag-undergo na siya ng acting workshop bilang preparasyon para sa tele-serye nila ni Piolo. Nag-story conference na rin si-la. Gusto rin naman daw niya na iba’t iba ang kanyang ginagawa. After do-ing Katy: The Musical Concert, sa teleserye naman siya masasabak.

“Mahal ko naman po ang trabaho ko. Parang kahit na ilang beses ko siyang layuan. ‘Di ba tu-mira na ako abroad at tina-try kong ‘wag magpunta rito? Pero ibinabalik at ibinabalik ako ni God. Talagang pinag-pray ko ang pagpasok ko sa showbiz. I guess di-to talaga Niya ako gustong mapunta,” sabi pa ni KC

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES