Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, December 25, 2008

MMFF 2008 starts today!

Today is December 25, 2008. In short, Pasko na sinta ko! At birthday pa ni Papa Jesus Christ, yeheyyy!

Happy birthday na, Merry X’mas pa sa ating lahat. Mabuhay Pilipinas! Magbunyi ang mga Noypi! In God Jesus Christ we trust, amen!

Ngayong araw din na itech ay showing na ang lahat ng pelikulang kasali sa MMFF 2008 like Tanging Ina N’yong Lahat, Shake Rattle & Roll X, Desperadas, Magkaibigan, Baler at Iskul Bukol... 20 Years After.

Dobol good news para kay Mother Lily ng Regal Films porke ang Shake Rattle & Roll X at Desperadas 2 ay both graded B by the CEB (Cinema Evaluation Board).
Malamang ay maglaban sa takilya bilang number one ang Shake Rattle & Roll X at ang Tanging Ina N’yong Lahat.

At malamang rin ay maglaban sa Best Actor category sina Sen. Jinggoy at Christopher de Leon sa pelikulang Magkaibigan.

In fairness, consistent ang acting ni Sen. Jinggoy mula umpisa ng pelikula hanggang wakas. Kung hindi mapupunta sa Best Supporting category si Ryan Agoncillo ay malamang pasok din ito bilang Best Actor dahil sa role niya sa Iskul Bukol na isang Pipi.

Best Picture naman para sa amin ang Baler. Ay, dapat din palang isama sa Best Actor lists si Jericho Rosales.

Sa Best Actress category naman highly recommended ni yours truly si Marian Rivera dahil sa magaling nitong pagkakaganap bilang Nieves sa Shake Rattle & Roll X. Keri niya kasi ang pagiging komedi star, action star, horror star at dramatic star all rolled into one, wa kiyems!

Pero huwag ding kalimutan ang acting ni Ruffa Gutierrez at ni Rufa Mae Quinto sa Desperadas 2. Perfect choice sila sa kanilang mga roles in fairness.

And take note, hindi rin matatawaran ang acting ni Ai-Ai delas Alas sa Tanging Ina N’yong Lahat.

Kaya mga movie lovers go na sa mga paborito n’yong sinehan at kung keri ng inyong katawan at bulsa ay panoorin n’yo lahat ang mga pelikulang kasali sa MMFF 2008.

Yon lang and tenk you. Again, Merry X’mas to all of us.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 3:19 PM, Anonymous Anonymous said...

marian best actress are you out of your mind

 
At 3:21 PM, Anonymous Anonymous said...

ang daming deserving n best actress s mmff if i know bayaran n nmn kyo ng gma nyan campaign campaign for marian palengkera and plastikadora

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES