Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 30, 2008

Sam Milby binati si Anne sa best actress plum

HANGGANG sa victory party ng Baler kahapon sa isang resto sa Marikina City ay mangiyak-ngiyak pa rin si Anne Curtis ’pag naaalala ang pagkapanalo ng Best Actress sa katatapos na MMFF awards night.

“Hindi ko talaga ’yon ini-expect. Nasa dressing room ako that time. Pero nu’ng marinig ko na tinawag ang pangalan ko ni Kuya Ipe (Phillip Salvador) as winner, bigla akong nabingi at nawala sa sarili ko,” excited na kuwento ni Anne.

“First acting award ko ’to, kaya very important sa akin. First time ko ring ma-nominate bilang best actress kaya sobrang happy ako talaga na after 12 years, heto na, may acting award na ako,” dagdag pa niya.

Dahil sa sobrang katuwaan ni Anne sa unang best actress award, inamin ng dalaga na nu’ng mga unang gabi, katabi niya sa pagtulog ang kanyang trophy.

“Grabe! Katabi ko talaga siya sa pagtulog nu’ng first few nights. Kahit nu’ng nagpunta ako sa Batangas nu’ng Sunday for a short vacation, dala ko rin ’yung trophy. “Pinagmamasdan ko palagi. Para kasing hindi talaga ako makapani-wala,” kuwento pa ulit niya.

Proud na proud din ang pamilya ni Anne sa kanyang unang acting award. Eh, ang ex-BF niyang si Sam Milby, ano ang reaksyon?

“Nag-congratulate naman siya sa akin. After kasi nu’ng awards night, diretso ako ng taping at dala-dala ko ’yung trophy hanggang dressing room, kaya alam niya na I won. Natutuwa naman siya for me.”

Nakatulong ba ang breakup nila ni Sam para magampanan niya nang maayos ang role niya bilang Feliza sa Baler and eventually, magkaroon ng acting award?

“In a way siguro… But not only him. Maraming bagay ang nakatulong sa akin para magampanan ko nang maayos ’yung role ko sa Baler,” tugon ni Anne.

Kahit best actress na ang dalaga, hindi pa rin daw siya magiging mapili sa pagtanggap ng role sa telebisyon at pelikula.

“Ayokong maging mapili. Hindi ako magiging choosy sa role. I will still accept supporting o kontrabida roles,” paglilinaw pa niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES