Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 01, 2008

Sam Milby nag-sorry kay KC Concepcion

Wish ni Sam Milby na makasama niya ang kanyang pamilya sa Kapaskuhan dahil nasa States ang mga ito and this is one thing lang daw na ikinalulungkot niya.

Bukod sa kanyang family, sino pa ba ang gusto niyang makasama sa Christmas?

“Kahit wala ang pamilya ko dito, I have what you call a family. You know, Eric (Raymundo, his manager) is one that I consider a family. Pero ‘yung mga friends, of course, na I consider my family.”

Tinanong pa ulit si Sam kung bukod sa kaibigan ay sino pa ang gusto niyang makasama na siyempre, ang hihintay naming isagot niya ay si Anne Curtis.

Nasasakyan naman ni Sam ang pangungulit ng press kaya puro ngiti lang siya sabay sabing “basta lahat ng friends ko.”

Kahit loveless siya ngayon, kahit paano naman daw siguro ay magiging masaya ang kanyang Christmas lalo na nga’t nagkausap na sila ni Anne at naging maganda naman daw ang pag-uusap.

Mas maganda na raw ang communication nila ngayon na sa tingin niya ay napaka-importante sa kahit ano’ng relasyon.

“Kasi dapat talaga, laging open ang communication n’yo,” he said.

Nagkausap na rin daw sila ni KC Concepcion na na-drag sa split-up nila ni Anne at nag-apologize na siya personally.

So, ngayon, ang aabangan na lang ng lahat ay kung may reconciliation na magaganap kina Sam at Anne sa mga darating na araw.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES