Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 08, 2008

Sarah Geronimo, Star of the Night sa concert ng mga Divas

Kung may Star of the Night sa Divas 4 Divas concert, walang iba kundi si Sarah Geronimo dahil special ang acknowledgement sa kanya nina Regine Velasquez at Kuh Ledesma. Sabi ng Songbird, “she’s the next diva” at sabi naman ni Kuh, “diva rin siya” na sinang-ayunan nina Pops Fernandez at Zsa Zsa Padilla.

Speechless si Sarah sa narinig sa mga diva lalo’t pinaakyat pa siya sa stage at hiyang-hiya pang naki­kanta sa apat. Kung si Sarah ay in-acknowledge ng apat, ang isang female singer na may diva title rin ay dinedma ang presence o baka hindi lang siya napan­sin ng apat.

Fashion show cum concert ang Divas 4 Divas sa dalas na pagpapalit ng damit at gowns ng apat na pinagtripang okrayin nina Pops, Zsa Zsa at Regine. Isa sa nakakatawang portion ng concert ay ang binuking ni Pops na sabi raw ni Regine noong wala pa itong lovelife, hindi pa niya nakikita si “junior” (manhood ng lalake). Tawanan ang audience dito!

Pagalingan ang apat sa performance, pero walang nang-agaw ng eksena at hindi nagpahuli si Kuh sa mga sexy outfits ng mga kasama. Umiyak naman si Regine nang kantahin ang And I Love You So na song daw niya for her “honey”.

Nasa front row sina Jomari Yllana na pumakyaw daw ng tiket bilang suporta kay Pops at nagbigay din siya ng flowers sa nobya. Ganu’n din si Dolphy for Zsa Zsa at Ogie Alcasid na busy sa pagkuha ng litrato. Tiyak na mapupuno pa rin ang Big Dome ‘pag nagkaroon ng repeat ang Divas 4 Divas.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES