Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, December 07, 2008

Senior stars hanga kay Claudine Barretto

WALANG nag-utos o nag-impluwensya kay Claudine Barretto sa ginawa niya kamakailan na sinaluduhan ng mga beterana’t beteranong artista.

Nag-iisa lang siyang dumating sa area para sa ho-norees nang hapong ‘yon sa Walk of Fame. Pagpasok niya, agad niyang nilapitan ang mga beterano’t beteranang stars na sina Mila del Sol, Delia Razon, Oscar Obligacion at iba pang senior stars na naroroon at binati niya nang buong galang ang mga ‘yon.

Ganu’n na lang ang pag-hanga kay Claudine na naramdaman ng senior stars.

Well, may magandang breeding naman kasi si Claudine. Marunong siyang magpahalaga sa kapwa artista, lalo na sa mga nakatatanda sa kanya. Makikita sa ginawa niyang ito na hindi siya mayabang.‘Di siya kagaya ng ibang artista riyan na darating sa isang okasyon kasama ang maraming alalay, mga bayarang reporters na walang ginawa kungdi purihin sila, at mga fans na walang sawang nagsisisigaw para bigyan sila ng assurance na may fans sila.

Lahat ng senior stars na dumalo sa Walk of Fame awards night, nagsabing kakaiba si Claudine sa ibang youngstars. Iyong iba kasi, nalunod na sa kanilang kaunting kasikatan. Akala nila sila na ang pinakasikat at sentro ng lahat ng atensyon. Kaya nga kung kami ang tatanu-ngin, ang dapat talagang suportahan ng publiko ay ‘yong mga artistang mahuhusay ang ugali. ‘Yong mga bastos at kulang sa urbani-dad hindi dapat hangaan at suportahan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 9:45 PM, Anonymous Anonymous said...

korek. c claudine barretto lng ang may quality sa lahat ng kasabayan niya. Bukod sa maganda may breeding pa. Yan ang totoong tao. love you clau. pinahnga mo ako sa kagandahan ng loob mo. u r truly a model mom

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES