Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 09, 2008

Shaina Mag­da­yao mahihirapang magpatawa

Lumaki sa harap ng publiko si Shaina Mag­da­yao. Nasubaybayan ng tao ang kanyang pag­sisi­mula sa mga sweet roles hanggang sa mag-evolve siya bilang isang mature actor. Sa kanyang bagong series sa ABS-CBN, ang Komiks Pre­sents Mars Ravelo’s Dragonna, mga bagong hamon at pag­su­­­bok ang kanyang pagdadaanan at mara­rana­san.

Katambal si Jake Cuenca, bibigyang buhay ni Shai­na ang karakter ni Olive, isang matapang na babae na medyo boyish dahil lumaki sa piling ng tatlong bumbero na nakapulot lang sa kanya.

Ang paghahanda ni Shaina ay hindi lang para sa kanyang pagiging superhero, pati ang kanyang pag­sabak sa pagpapatawa ay kanyang pinagha­handaan dahil malaking aspeto ng Dragonna ang comedy.

“Pinaka-worry ko is yung comedy. Sabi ko nga pa­iyakin n’yo na lang ako kasi para sa akin mas ma­­­­da­ling umiyak. Pero nung sinabi sa akin na ma­ka­­­­kasama ko sina Kuya Bayani (Agbayani) at Kuya Long (Mejia) natuwa na ako. Magiging ma­­ga­an silang kaeksena kasi beterano na sila sa co­medy.

Sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos, ma­kakasama rin ni Shaina ang ilan sa mga talen­ted at magagaling na artista sa industriya tulad nina Ales­sandra de Rossi, Arnold Reyes at Eda Nolan.

Antabayanan ang new look ni Shaina sa kan­yang bagong serye.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES