Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 23, 2009

Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, super top grosser na!

As of this writing, super top grosser na pala ang pelikulang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, as in, P197 milyon ang kinita nito, huh.

Ayon pa sa Box-office director na si Wenn Deramas, kinabog na ng kinita ng Tanging Ina Ninyong Lahat ang part one nito na inabot lang ng P140M something.

That means, mas mara-ming nag-enjoy sa mga salawikain at tricks ngayon sa pelikula ni Ai Ai delas Alas.

Nabalitaan din naming bago matapos ang taon ay gagawa ng isang proyekto si Ai Ai kasama ang Megastar na si Sharon Cuneta, na intended for Mother’s Day.

Ito ay ayon mismo kay Malou Santos, isa sa bosses ng Star Cinema.

Bukod pa sa Sharon-Ai Ai tandem, may naka-line up pang mga peroyekto gaya ng Aga-Angel movie, Vilma-John Lloyd-Luis at Jericho, Kristine-Carmen Soo, at marami pang iba.

Apat na teleserye rin ang gagawin ngayong taon ng Dos.

Bising-bisi ngayon ang Star Cinema, huh.

Dahil sa success ng Tanging Ina Ninyong Lahat, may susunod na proyekto si Ai Ai bukod pa ‘yung kay Sharon.

Ito ang kanyang solo movie at ipalalabas daw ito sa Disyembre.

Anyway, nilinaw naman ni Direk Wenn ang tungkol sa isyung sinabi raw niyang nagkabalikan na sina Anne Curtis at Sam Milby.

“Hindi ko sinabing nag-kabalikan sila. Ang sinabi ko lang, magkasama sila the whole night sa last taping day namin at nag-party kami. Kumakanta pa nga sila at sweet sila.”

Nagulat na lang din si Direk Wenn na dineny ni Sam na chikang nag-kiss sila ni Anne.

Sa true lang, wala namang masama kung nag-kiss sila ni Anne, naging magka-relasyon sila, may past sila.

Puwedeng na-miss nila ang isa’t isa.

Ang masagwang tingnan, kung out of nowhere ay bigla silang naghalikan nang wala namang dahilan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES