Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 27, 2009

Angel Locsin hindi pa ilalabas ng ospital

Kasalukuyan pa ring nasa St. Luke’s Medical Center si Angel Locsin at nakikipaglaban sa dengue. As of yesterday ay bumaba sa 53,000 ang platelet ng kanyang dugo mula sa 58,000 last Sunday.

Pero huwag daw mag-alala’t ginagawa naman ng mga doktor ang lahat. Normal lang daw ang fluctuation ng platelet kapag may dengue and good thing na hindi naman daw bumababa pa sa 50,000 ang platelet although under observation pa rin ang aktres.

Hindi pa malaman kung saan nakagat ng lamok si Angel na naging sanhi ng pagkakaroon niya ng dengue pero marahil daw ay nang magpunta ang young actress sa Cebu para i-promote ang Love Me Again.

Nagpapasalamat si Angel sa ABS-CBN and Star Cinema management para sa prayers and concern na ipinakikita sa kanya. Nagsidalawan ang mga bossing sa hospital at ang iba naman ay nagpadala ng flowers.

Ang leading man niya sa Love Me Again na si Piolo Pascual ay nagpadala rin ng flowers.

Ang mas nakaka-touch daw ay ang sweetness at concern ng boyfriend ni Angel na si Luis Manzano. Ang young actor ang nagsugod sa kanya sa hospital at nang nangangailangan ito ng dugo ay kaagad nagpa-blood test at willing siyang mag-donate para sa minamahal.

Ang kaso ay hindi sila magkatipo ng dugo. Type O si Luis at B+ naman si Angel.

Sa kasalukuyan ay hindi pa alam kung hanggang kailan mananatili sa hospital si Angel pero positibo naman ang kanyang doktor na gagaling din ito agad.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES