Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, January 19, 2009

Angel Locsin may ibang BF?

HANGGANG ngayon, palaisipan pa rin sa ating lahat: Ano ba talaga ang nangyari?

Ba’t nag-cry si Angel Locsin sa ASAP ’09 two Sundays ago?

Ah, so, may tampuhan sila ng dyowa niyang si Luis Manzano? Confirmed ba ’yon? Kasi naman, wala tayong naririnig mula sa dalawa.

Walang nagsisiwalat ng totoong dahilan ng kanilang tampuhan.

Hindi naman natin magawang magalit dahil personal na nila ’yon.

Ano naman ang pakialam natin in the first place? And in the second place, oo nga, artista sila, kaya ang publiko ang curious as to what really happened.

Anyway, eto, hindi pa confirmed, ha?

May nagtsika lang sa amin. Na ang dahilan daw ay – ewan, ha? Sana hindi true – na may third party.

At si Angel daw ’yon, hindi si Luis. Ang sey pa, eh, hindi raw alam ni Luis na dyowa pala ng anak ng isang business tycoon si Angel.

Na ang sey pa – again, ewan if this is true, ha? – na binigyan daw nito ng bonggang bahay sa White Plains ang aktres.

Matagal na raw itong pinag-uusapan ng neighborhood association.

May ganu’n?

Naku, sana naman, hindi ito true. At kung true man, eh, sana, tapusin na ang relasyon para i-save ang isa pang relasyon, ’di ba?

So, ang tanong: Ito nga ba ang dahilan ng tampuhang Luis at Angel? O meron pang iba?

Naku, may ganu’n?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 6:11 PM, Anonymous Anonymous said...

ay sus... para pag usapan lang yan...para umingay ulit name nya...

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES