Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 18, 2009

Angel Locsin nagso-solo ng problema

Nagkakwentuhan kami ni Ela Colmenares (kapatid ni Angel Locsin) at tinanong ko siya tungkol sa napapabalitang may tampuhan ang sis niyang aktres at ang bf nitong si Luis Manzano.

May mga balita pa ngang lumabas (hindi sa aming tabloid) na nagsasabing hiwalay na sila. Gaano ito katotoo? Tanong ko kay Ela.

“Wala namang sinasabi sa aking problema si Angel tungkol kay Lucky. Siya kasi ang tipo ng babae na sinasarili ang problema at never na nagko-confide sa akin. Masaya naman siya kaya nang tanungin ko nga kung bakit siya umiyak sa ASAP habang kumakanta sila ni Piolo Pascual ang sagot niya, dahil masaya siya sa nangyayari ngayon sa kanyang buhay,” anang Ela.

Hindi kami naniniwala na hiwalay na sila ni Luis dahil wala namang dahilan para sila’y mag-away o kahit magkatampuhan lang. Compatible silang dalawa sa maraming bagay.

* * *

Gaya nang inaasahang rumatsada sa takilya ang Love Me Again at hula nga ni Ramon Byron na nabasa namin sa website ni Angel ay kikita pa hanggang P100 million ang pelikula o mahigit pa. Ganado ngayong magtrabaho ang magandang aktres dahil may acting award na siya, super blockbuster pa ang pelikula. Naghahanda na sina Angel at Piolo dahil ipalalabas din yata ang pelikula sa iba’t ibang panig ng Europe at siyempre, dadalo ang dalawa dun.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES