Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 17, 2009

Angel Locsin to replace Claudine Barretto as ABS-CBN queen?

Dumalo kami sa pinag-uusapang premier night ng Love Me Again kung saan muling namayagpag ang tambalan nina Angel Locsin at Piolo Pascual.

Dinaluhan ito ng big bosses ng Star Cinema headed by Malu Santos, pinilahan ng maraming tao ang unang hit movie na pinagsamahan ng dalawa.

Dumating din ang mga pamilya at kaibigan nina Piolo at Angel.

Fresh from the States ay talagang suportado ng mga kapatid at ina ng aktor ang pelikula.

No doubt, naroon na ang chemistry nina Angel at Piolo, nasubukan na ang tandem nila sa Lobo pero iba pa rin pala ‘pag napanood sila sa isang pelikula.

Iba ang dating ng kilig at hindi ka magsasawa na ha-hanapin mo ang kanilang tambalan.

Dahil sa gandang panoo-rin nina Piolo at Angel on screen hindi tuloy napigilang magkomento ng ilang manonood, na akala lang natin ay kay Claudine Barretto nakita ang isang perfect screen partner for Piolo, pero hindi.

Si Angel talaga ang bagay kay Piolo.

Natural at hindi pilit ang samahan nila.

Simple lang ang plot, umiikot sa buhay probinsiya.

Nakakatuwa dahil nai-revive nina Direk Rory at ng Creative Team ng Star Cine-ma ang kuwentong cowboy, at ang ganda talaga sa Bukidnon, huh?!

Buhay ng pagiging isang ranchero ang ating mapapanood at kung paano mababago ng pagmamahalan, tiwala at pag-asa ang lahat kina Ara (Angel) at Migo (Piolo).

Sa puntong ito, hindi maiiwasan na mangamba ang ilan para kay Claudine.

May mga nagsasabing may katapat na si Claudine sa pagiging reyna ng Dos?

In fairness kay Angel, kung akting lang ang pagbabasehan, hindi magpapahuli ang dalaga.

Hindi rin siya ang tipong nag-iinarte at simple lang siya, kung kaya’t agad ni-yang nakuha ang pagtingin ng mga tao.

She knows how to reach out, ika nga. At wala siyang pinipiling kausap. Ito ang aming napansin sa kanya at kapuri-puri ang katangiang ito.

Well, sana ay hindi rin huli para kay Claudine na makabawi pa.

Mas bongga, mas marami na silang reyna ngayon.

Basta, watch kayo ng Love Me Again, ang ganda, pramis!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

6 Comments:

At 7:18 PM, Anonymous Anonymous said...

panget kaya mg act si angel. sa bukidnon na scene...ew..talagang pinilit. lang kwenta xang mg-act. mg-comedy na lang kya xa bka mg pag-asa pa. sinasayang lang nya ang image ni papa P.

 
At 5:38 PM, Anonymous Anonymous said...

Of course not! Diyan k mali for me super bagay sila and magaling na actress si angel.

 
At 8:47 AM, Anonymous Anonymous said...

PLASTIC ang ANGEL na yan.She's not fit to be called angel.Go GO GO MARIAN!

 
At 1:08 AM, Anonymous Anonymous said...

..."TWO THUMBS UP" pra sa LOVE ME AGAIN esp. kay ANGEL and PIOLO!

 
At 9:16 AM, Anonymous Anonymous said...

angel is really and definitely a good actress. those pipol na mahilig manira get lost. go angel :)

 
At 2:20 PM, Anonymous Anonymous said...

For me Claudine, will be the Queen of ABS-CBN matagal na cya sa network, never cyang ng traydor unlike Angel.... yun lang....

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES