Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 02, 2009

Anne Curtis kilig na kilig pa rin sa trophy

IKALAWANG araw na ng 2009, pero hindi pa rin makapaniwala si Anne Curtis na siya ang nagwagi ng Best Actress trophy sa nakaraang MMFF awards night para sa makabuluhan at mahusay niyang pagganap sa Christmas Season filmfest entry ng Viva Films titled Baler.

Kuwento sa amin ni Anne nang aming ma-katsika, kilig na kilig pa rin daw siya sa Best Actress trophy ng Metro Manila Film Festival ngayon na kanyang na-iuwi.

At para bigyan ito ng matinding importansya, naka-display ang trohpy sa kanyang bedroom. At mistula raw siyang pra-ning-praning na pala-ging pinakatititigan ang tropeyo, at kinakausap pa ito.

“’Yong mga kasama ko nga sa bahay, nag-aakalang mayroon akong lalaking kaulayaw sa bedroom ko dahil kung minsan ay napapatili ako sa kilig,” kuwento ni Anne.

Tipong ang trophy ni Anne ang itinuturing niya ngayong dyowa kulit namin sa kanya. “Mas higit pa sa kaligayahang bigay ng boyfriend ang nadarama ko ngayon,” aniya.

Imagine nga naman, after 12 years sa showbiz ngayon lang siya nakatikim ng best actress award.

Kaya ganu’n na lang din ang pasalamat niya sa producers at direktor ng Baler sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya.

* * *

TWENTY three years old na si Anne Curtis.

At para sa kanya ay ngayon lang talaga niya na-feel na isa siyang artista.

Pati parents niya at mga kamag-anakan ay very proud sa kanyang acting achievement ngayon ni Anne.

Siyanga pala, para sa mga hindi pa nakakaaalam, ang mother ni Anne na si Carmen Ohales ay tubong Catuday, Bolinao, Pangasinan. Bayan ito ng magagandang babae at makikisig na mga lalaki. By the way, tinawagan pala si Anne ni Sam Milby right after na nakuha niya ang Best Actress trophy ng MMFF ‘08. Binati siya kasabay na rin sa pagsasabi ng belated Merry Christmas.

Pakiramdam daw ni Anne ay gustong maki-pagbalikan sa kanya ni Sam.

Kaya lang, masyado pa raw siyang nasa ru-rok ng matinding kaligayahan nang magkausap sila ni Sam kaya very casual lang ang pa-kikipag-talkies niya rito sa phone.

“Feel ko, no way na muna kami ni Sam. Ngayon pang inspired na akong masyado sa aking career dahil sa pagkakapanalo ko ng best actress trophy.

“This year, magpo-focus talaga ako nang husto sa aking acting career. Set aside na muna ang lovelife,” wi-ka ni Anne.

Bata pa naman daw siya at marami pang time sa pag-ibig. “Ang career, pana-pahon ‘yan,” aniya pa. Kung at the end of the day ay sila pa rin daw ni Sam, okey lang.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES