Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 29, 2009

Anne Curtis, mas mapangahas kay Angelica

KAPWA proud and happy sina Anne Curtis at Angelica Panganiban sa pagkakapili sa kanila bilang latest celebrity endorsers ng Swatch (Swiss-made watches).

Bukod sa kanilang magagandang mukha ay parehong sexy sina Anne at Angelica kaya swak sila sa bagong watch line ng Swatch na Original Skin.

Sey ni Anne, pareho silang confident ni Angelica, na may sweet fa­ces pero meron ding sexy side. Ipinakita nila ang kaseksihan nilang ‘yon sa print ad pictorial for Swatch na naglantad sila ng skin.

Ipinagmamalaki ng dalawang young actress na pawang ‘original’ ang lahat ng parte ng katawan nila at wala silang ipinagawa o ipinaretoke.

Handa raw si Ange­lica na mas magpa-sexy kung gagawa sila ng TV commercial at tila naghahamon ang dalaga nang hiritan si Anne nang, “Ako, kaya ko, ikaw kaya mo ba?”
Pero bumawi si Angelica at sinabing mas daring sa kanya si Anne, mas maingay lang siya.

Ang nobyo niyang si Derek Ramsey ang nagpakilala kay Angelica sa mga taga-Swatch at natutuwa siya na nagustuhan siya at nakuha niya ang kiliti ng mga ito.

Sa totoong buhay ay ‘watch person’ si Ange­lica kaya laking tuwa niya at parang hindi pa rin daw siya makapaniwala na kinuha siyang endor­ser Swatch.

Mas naunang ma­ging sponsor ni Derek ang Swatch (na pinadala pa ito sa Beijing Olympics last year), so nga­yon daw ay naiinggit kay Angelica ang boyfriend niya dahil naunahan pa niya itong maging official endorser ng sikat na watch brand.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 5:25 AM, Anonymous Anonymous said...

congrats anne n angel..
wow anne new endorsement na naman i swear bibili ako ng swatch...suportado ako sa lahat ng iniendorse mo..
yung vco lotion...san san make up, etc..binili ko so eto naman.... i lav yah anne!!! wohooo!! sexy,great personality, super beautiful,,u deserve it anne..

congrats to angel din...YOU rock!! gurls!!

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES