Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 07, 2009

Boy Abunda iginanti ni Lolit Solis kay John Lapus

Tinotoo ni Lolit Solis sa kanyang radio segment sa DZRH nitong Martes ang kanyang ‘paghihiganti’ laban kay John ‘Sweet’ Lapus (talk about mis­nomers) in defense of Boy Abunda.

Nito lang kasing Lunes back on the airwaves ang rumerepekeng bibig ni ’Nay Lolit na tapos na sa kanyang pagbabalita nang tawagan daw siya ni Kuya Boy. Ito’y bilang reaksyon ng Backroom, Inc. boss sa tinuran ni Sweet sa Showbiz Central noong Linggo. With nary a shadow on the imposing Calayan billboard along EDSA, baka raw move ’yon ng management na huwag nang pagsamahin pa ang dalawang ‘bakla’ sa campaign ad na ’yon.

It may not have sounded as a slur against Kuya Boy (believed to be one of the three partners of the ad agency that services (Cabayan), still (at uulitin ko ang aking sinulat dito sa PSN), how ridiculous of John to have arrived at such a conclusion. Ipinagdiinan pa ni Sweet ang salitang ‘bakla’ pertaining to him and Kuya Boy as though the issue was gender-related.

“Bakit siya isasama sa billboard, eh, tsinugi na nga siya ni Calayan?! hirit ni ’Nay Lolit. “Siguro, napag-isip-isip ni Calayan na wala namang ibinungang maganda ang dalawang taong endorsement ni Sweet… I’m sure,’’ sey pa ni Belo-identified namang manager.

Hindi tawag ng sumbong mula kay Kuya Boy ang natanggap ni ’Nay Lolit, kundi expression lang how, ‘‘upset I was. Na-upset talaga ako,’’ sey raw ni Kuya Boy. ’Naku, sayang, Kuya Boy, katatapos ko lang magradyo. Hamo, bukas na bukas, titirahin ko talaga ’yang Sweet na ’yan, humanda siya sa akin!’’ paniniyak ni ’Nay Lolit sa kapwa manager.

Tiyak ako na alam ni Sweet ang extent ng clout ng mga taong binabangga niya, and he’ll never see the end of all this flak thrown his way mula sa mga pinagsanib na puwersa ng mga kaibigang writer nina Kuya Boy at ’Nay Lolit. Walang iniwan ’yan sa bubuyog na pag kinanti mo, asahan mong kukuyugin ka: Something that Sweet does not and will not proudly have.

Minsan nang pinaringgan ni ’Nay Lolit ng half-meant joke si Sweet when Startalk and Showbiz Central were pitted against each other in the Sa Pula, Sa Puti game portion ng Eat Bulaga. Before the game proper, binibiro ni ’Nay Lolit si Sweet na magpatalo, or else ilalaan daw niya ang kanyang isang buwang sahod sa Startalk para bayaran ang mga reporter na magsulat ng mga kasiraan niya.

Di pa nakuntento, lamog na lamog si Sweet nu’ng actual game na sa pang-ookray sa kanya ni ’Nay Lolit. Ewan ko, nakarma yata kami kaya natalo kami! At present though, bad karma to be waving at Sweet in full smile.

And he so deserves it.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES