Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 16, 2009

Dyan Castillejo updates

Sunud-sunod at walang mintis ang mga binibitawang reports ng senior sports corres­pondent ng ABS-CBN na si Dyan Castillejo. Kumbaga sa boksing, naka-knockout na siya sa mga eksklusibong reports na ibinalita niya tungkol sa pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao.

Sa tulong ng magigiting na cameraman na sina Val Cuenca at Rene Casibang, sa ABS-CBN lumabas ang unang interview kay Pacquiao pagkatapos ng laban niya kay Oscar Dela Hoya at ang unang panayam at footage kay Jinkee Pacquiao pagkatapos manganak sa pang-apat nilang anak na si Queen Elizabeth.

In fairness naman kasi kay Dyan, na pinangaralan ng Golden Dove Awards nung 2007 na Best Field Reporter, matagal na siya sa industriya at may limang taon na rin niyang kino-cover si Pacquiao kaya naman gamay na niya ang gawi ni Pacman. Malapit na rin ang grupo niya sa kampo ng boksingero.

Dagdag pa niya, atleta rin siya dati kaya alam niya kung kailan ito pupuwedeng kausapin at kung ano ang pupuwedeng tanungin. Kuwento nga ni Dyan, hindi birong i-cover si Pacman dahil sa mahigpit niyang iskedyul.

Gayunpaman, wala siyang masabi sa kabaitan ng boksingero. Katulad nung humingi siya ng interbyu para sa kanyang dokyumentaryo, hindi nag-dalawang isip si Manny at sinabing puwede itong gawin sa party ni Gov. Chavit Singson. Doon ay 35 minuto, at hindi tatlong oras gaya nang naibalita, na nagkuwento si Pacman ng kanyang buhay sa harap ng iba pang bisitang nawili sa pakikinig.

Nakapagpundar na kasi ng tiwala si Dyan sa mga nakapanayam niyang atleta tulad ni Manny kaya hindi na mahirap makakuha ng interbyu. Maging sa eroplano ay pinauunlakan ni Manny ang kakaunting tanong ni Dyan.

“Sa galing, propesyunalismo, at magandang pakikitungo ni Dyan, hindi nakapagtataka kung naka­ka-iskor siya ng magandang kuwento. Kahit ang mga banyaga ngang tulad ni Erik Morales ay nakukuha niya ang loob sa pag-eespañol pa lang niya,” dagdag pa ng bossing ng ABS-CBN News gathering na si Charie Villa.

Ilan lang sina NBA MVP Kobe Bryant, golf living legend Tiger Woods, dating boxing king Floyd Mayweather Jr., bowling legend Paeng Nepomuceno, billiards champ Efren “Bata” Reyes, at UFC star Chuck Liddell sa mga bigating manlalarong kinober ni Dyan bukod kay Pacquiao.

Kung saan-saan na rin siya naipadala tulad ng Beijing Olympics, Southeast Asian Games, at iba’t ibang kampeonato sa boksing para mag-ulat sa mga news program ng ABS-CBN.

Kung may hahamon man sa kasipagan at galing ni Dyan, siguro ay ang kaniyang cute na cute na anak na si Matthew na sa murang edad ay nahumaling na rin sa sports. Sa katunayan, kasama siya palagi ni Dyan sa shoot ng Sports Unlimited.

Wika nga ng mga nakakakilala kay Dyan, sobra itong devoted sa anak. Bukod sa tatlong taong pagbe-breastfeed kay Matthew ay siya rin ang coach nito pagdating sa golf, soccer at tennis.

Kasalukuyang mapapanood si Dyan sa Sports Unlimited, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng TV Patrol Sabado. Dito makikita kung bakit sa kabila ng below-the-belt na tirada sa kanya, nakapagbibigay pa rin siya ng knockout na istorya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES