Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 06, 2009

Edu Manzano ’di nag-resign sa ‘PGKNB?’

Hindi na rin pinalampas ng press ang pagkakataong linawin kay Edu Manzano ang tungkol sa kontrobersiya sa game show niyang Pilipinas, Game Ka Na Ba?

Na-report na muntik na siyang mag-resign sa naturang programa.

“Hindi ako nag-resign. Nag-expire lang ang kontrata ko noong Dec. 31. One year-one year contract lang ’yan. Naospital kasi si June (Rufino, his manager), so, ’yung negosasyon niya with Cory (Vidanes), hindi pa naisara ’yon.

“Dapat last week pa lumabas si June...nauudlot ang pagyaman ko dahil hindi pa ako nabibigyan ng raise,” pabiro niyang sabi.

Positibo si Edu na maaayos naman ang lahat, which means, magre-renew siya ng panibagong kontrata para sa naturang game show.

’Yung pagpapaalam daw na ginawa niya before the year ended ay taun-taon niyang ginagawa.

“Even last year, ganundin ang ginawa ko bago nag-expire ang kontrata ko. Every year, kapag mag-e-expire na ang kontrata, I’m always thanking the audience for allowing me into their homes.”

Itinanggi rin ni Edu ang tungkol sa kontrobersiya hinggil sa pagkakapanalo ni Direk Wenn Deramas na diumano’y tinulungan niya.

Na-review naman daw ang tape at wala namang nakitang hindi nararapat.

Balik-taping na rin si Edu sa PGKNB? kahapon at kung mare-renew na ang contract niya, over and above the raise, hihingi siya ng bakasyon.

Gusto raw niya uling maging “school bus dad” sa mga anak.

Natanong din kay Edu ang tungkol sa balak niyang pagpapakasal sa girlfriend na si Pinky Webb at ayon sa aktor, malabo pa itong mangyari ngayon dahil hindi pa annulled ang kasal nila ng second wife na si Maricel Soriano.

Bakit nga ba hindi pa annulled? tanong ng press sa TV host-OMB chief.

In due time, sagot nito, things will fall into place.

Aniya, sa Monday na niya ibibigay ang iba pang kasagutan sa gaganaping thanksgiving party niya with the showbiz press.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES