Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 17, 2009

Jericho Rosales news updates

First project ni Jericho Rosales for this year ang I Love Betty La Fea.

He’s the latest addition sa bagong season ng seryeng pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo bilang lalaking may busilak na kalooban na magkakaroon ng malaking parte sa buhay ni Betty.

Dahil parating nali-link si Echo sa nagiging leading lady, tinanong ang young actor kung posible rin siyang magkagusto kay Bea.

Say niya, at this stage, mas gusto niyang maging kaibigan lahat.

“There’s nothing wrong siguro if I make friends with them. Since I’m single and I’m looking na parang ‘she’s okay,’ ganyan. But you know what, we (the girls being linked to him) all have something in common except for Bea, I guess.

“Well, Kaye (Karylle) came from a break-up. Anne (Curtis) came from a break-up also. Si Carmen (Soo), medyo matagal-tagal nang konti. And hindi masyadong okay na I came from a break-up (with Heart Evangelista) myself. A three-year relationship na medyo intense. It would be hard kung may liligawan ako ngayon, kasi baka rebound ang mangyari.

“So, for now, I’m really happy and it’s such a wonderful feeling working with them, knowing them na parang ‘hay, these girls are beautiful, beautiful pa inside’.”

“So, parang okay, relax, Echo, stay focused na lang. I think I’m more mature now when it comes to relationships and when it comes to work. So, I’m prioritizing you know, the opportunities.

“With Bea, siguro, we’ll see, we’ll see. I’m sure we’ll get to know each other pagdating namin sa set,” mahabang sabi ni Echo.

After Heart, wala pa siyang nililigawan ulit. Maging ’yung tsismis that he’s courting Karylle ay itinanggi niya at aniya, nasa ‘steady’ or ‘relaxed’ mode lang muna siya ngayon.

Naitanong kay Echo kung totoo ang balitang nagkita sila nang hindi sinasadya ni Heart sa Greenbelt kasama ang pamilya nito at inamin naman ito ng aktor.

“But I didn’t see her family, siya lang. Hi-hello lang and then she left.”

Ano ang feeling nang makita niya ulit ang ex-girlfriend?

“Wala, hindi ko alam, eh. Hindi siyempre, it’s the first time after ano, ’di ba, so parang uuh.”

Ninerbiyos ba siya, tumigil ang mundo, natulala or what?

“Hindi naman. Siguro, questions (ang nasa mind), like 10,000 questions in one minute,” sabi ni Echo.

Tinanong din siya kung si Heart ba ang aktres na ibinalita ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz na pumunta sa bahay niya matapos mapanood ang interview niya sa said talk show dahil na-touch umano sa sinabi niya.

“No, no, no. Hindi naman kami nagkakausap ni Heart. And I don’t know about that dahil nasa Bangkok ako nu’ng time na ’yon for a commercial shoot,” he said.

Magsisimula nang mapanood si Echo sa Monday sa ILBLF at malapit na rin niyang simulan ang serye nila ni Kristine Hermosa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES