Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 01, 2009

John Prats ayaw magpalaki ng boobs si Shaina

“I really care about her,” say ni John Prats tungkol kay Shaina Magdayao.

Kung ibibigay nga raw sa kanya ng Diyos, si Shaina na ang gusto niyang iharap sa altar balang araw.

“Sana, ‘yun nga po ang lagi kong idinadasal. Sana naman,” say pa niya nang makapanayam namin sa presscon ng Parekoy, bagong show nila nina Zanjoe Marudo at Jayson Gainza na mag-sisimula na sa Jan. 5.

Ang sabi nga raw ni Camille (his sister), kapag nagkaanak daw sila ni Shaina, siguro raw ay mestizo dahil pareho silang maputi.

Nakatutuwa si John dahil pagdating kay Shaina, parang hindi siya nauubusan ng kwento. Pati ang mga negosyo ng young actress at ang mga gusto nitong gawin ay gusto rin niya.

Christmas gift niya kay Shaina ay ipina-frame raw niya ang larawan nito na kuha niya sa taping ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat.

“Ang ganda ng kuha, shooting ng Tanging Ina ‘yun, kinunan ko siya, tapos lampshade lang ang ilaw, ang ganda,” kuwento pa niya.

Naitanong kay John kung ano ang reaksyon niya sa balitang pagpapalaki ng boobs ni Shaina at ayon sa aktor, hindi raw ito totoo.

“At saka, kung ako rin ang tatanungin, hindi ako papayag.”

Bakit?

“Eh okay na ako kung ano siya ngayon,” sagot ng aktor.

At least ay unti-unti nang nagiging very vocal ngayon sina Shaina at John.

“Basta ako, okay na ang love life ko, masaya na ako. Ang focus ko naman ngayon ay ang business ko,” sabi pa ni John.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES