Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 28, 2009

Juday-Ryan, nagpahiwatig ng kasal

SABAY na dumating ang mag-sweetheart na Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa 70th birthday party ni Tito Alfie Lorenzo nu’ng Lunes nang gabi sa Imperial Palace poolside.

Nang pagsalitain namin ni Dondon Sermino sa mikropono sina Juday at Ryan para magbigay ng mensahe kay Tito Alfie ay parang may ‘ipina­hihiwatig’ ang sinabi ni Ryan para sa manager ni Juday.

Ang dayalog ni Papa Ry, kahit may mga pagbabagong magaganap this year ay palagi raw tatandaan ni Tito Alfie na bahagi ito ng buhay nila ni Juday (or something to that effect).

Katakutakot na kantiyaw ang inabot ni Papa Ry mula sa amin ni Dondon dahil sa pahayag niyang ‘yon.

Binigyan namin ito ng kahulugan at hiniritan namin ang magsyota na mukhang nagbabadya na ang kasalan this year dahil sa ‘pagbabagong magaganap’ na binabanggit si Ryan.

Tawa lang nang tawa ang magkasintahan. Lalong tinukso ni Dondon si Juday dahil naka-all white outfit ito that night, kaya hiniritan ni Dondon na tila nagpapraktis na itong magsuot ng puti (na ang next ay white wedding gown na?).

Nang maki-table kami kay Popoy Cari­tativo ay umupo sa may tabi namin si Ryan.

Kinulit namin ito kung tama ba ang hula naming this year na sila ikakasal.

Smile lang nang pagkatamis-tamis si Papa Ry, sabay krus ng kanyang mga daliri, na para bang sinasabing sana ay walang kumontra at magkatotoo nga ang sinabi namin.
Si Tito Alfie ay may binabanggit na petsa, Mayo 12 daw o isang araw pagkatapos ng birthday ni Juday.

Ewan namin kung seryoso si Tito Alfie sa hirit niyang ‘yon, so hintayin na lang natin kung may magaganap ngang kasalan after ng 31st birthday ni Juday sa Mayo (o kung hindi man sa Mayo ay basta sa taong ito).

Hindi na kami magugulat kung anytime soon ay may gagawing announcement sina Juday at Ryan, tutal ay nu’ng 30th b-day pa ni Juds last year sila opisyal na naging engaged.

At least, sa birthday party ni Tito Alfie u­nang ‘nagpahiwatig’ ang magkasintahan.
Mukhang wala namang tutol si Tito Alfie dahil nasa tamang edad na ang dalawa at kahit ikasal pa sila ay tuloy ang showbiz career nina Juday at Ryan.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES