Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 07, 2009

Karylle-Jericho loveteam mauunsiyami?

NGAYON pa lang ay marami nang manonood ang nag-aabang sa balitang tambalan nina Karylle at Jericho Rosales.

Kasi hindi lang daw sila bagay maging magkasinta-han kungdi pareho ring may magandang aura ang dalawa para maging loveteam.

Dahil daw kay Karylle ay ibang-iba na ang kasiyahang nararamdaman ni Echo.

Kinalimutan na rin ng aktor ang katambal na si Carmen Soo sa patok na Kahit Isang Saglit ng ABS CBN.

Pero, ano itong naka-rating sa amin na may balak pa rin daw pumunta sa Pilipinas ang Malaysian actress nang mabalitaang may Karylle na si Echo.

Pupuntahan daw nito sa Pilipinas ang dating ka-loveteam para komprontahin hinggil sa singer/TV host.

Balita rin na dahil patok sa manonood, hindi lang sa Pilipinas kungdi maging sa Malaysia ang Kahit Isang Saglit, nag-iisip ang pamunuan ng Dos at partner nitong Malaysia production na gawan sina Carmen at Echo ng panibagong teleserye.

Kapag nagkataon na matuloy ang balak na ito ng dalawang produksyon malamang maudlot, as in mawawala, ang inaasahang loveteam nina K at Echo.

* * *

SPEAKING of Karylle, nakita namin minsan ang singer/TV host sa bakuran ng Kapamilya network after ASAP 09 at tipong talagang malaki ang kanyang ipinagbago.

Mas maganda na siya ngayon at mas may da-ting sa tao kaysa noong nasa GMA-7 pa siya.

Pero nahalata naming mas pinagkaguluhan pa rin si Sarah Geronimo na nagkataong naroroon din.

Halatang mga galing abroad pa ang nagkagulo sa pop princess.

Gayunman, hindi na-min masisisi si Karylle kung bakit hindi siya pinagkaguluhan ng mga fans na galing sa ibang bansa lalo’t kalilipat pa lang niya sa Dos.

Alam naman nating mas tinatangkilik ang Dos sa abroad kaysa sa Siyete.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES