Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 27, 2009

KC Concepcion ipinagtanggol ang Star Cinema

NAGMISTULANG Valentine’s Day in January ang second presscon ng When I Met U ng GMA Films at Regal Entertainment kahapon, dahil lutang na lutang ang kulay pula sa paligid ng venue.

Bukod sa pagkakasabay sa selebrasyon ng Chinese New Year, feeling in love ang mga taong dumalo na halos lahat ay nakapula, kabilang na ang GMA Films president na si Annette Gozon-Abrogar.

Ang Regal matriarch lang na si Lily Monteverde at mga bidang sina Richard Gutierrez at KC Concepcion ang hindi naka-red.

Kahit puyat dahil sa last shooting day ng When I Met U sa Subic, maaga pa ring dumating ang screen pair na looking fresh as ever.

As expected, pinutakti sila ng tanong tungkol sa totoong estado ng kanilang “relationship,” pero gaya ng dati, walang inamin ang dalawa.

Sinabi lang nila na marami silang mami-miss sa isa’t isa, lalo pa kung iisipin na matatagalan bago sila muling magkatrabaho sa pelikula.

Pero ayon kay KC, hindi man sila magsama sa big screen, maaari pa rin naman silang magtrabaho sa ibang paraan. Hindi na siya nag-elaborate.

Nang may pumansin naman na sa trailer pa lang ay mukhang mas nakakakilig at mas magki-click ang When I Met U sa moviegoers kesa sa first team-up nilang For the First Time sa Star Cinema, hindi naiwasang ipag-tanggol ng unica hija nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang film arm ng home studio niya.

Ayon kay KC, halos sabay silang pumirma sa ex-deal ng Star Cinema at GMA Films at Regal. Nauna nga lang gawin ang sa Star, kaya mas mahaba ang naging preparasyon ng GMA at Regal para sa kanilang material.

Actually daw, naka-10 script revisions sila para masigurong maganda ang magiging Valentine offering nila sa fans.

Blessing in disguise rin daw na si Direk Joel Lamangan ang sumalo sa iniwang trabaho ng original director nilang si Joey Reyes.

Napakabilis daw nitong magtrabaho at hindi nila naiwasang yakapin ito nang mahigpit on their last shooting day.

Sey daw ni Direk Joel, maging siya’y hindi akalaing kaya pa rin niyang gumawa ng isang kilig movie gaya ng When I Met U.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 12:09 AM, Anonymous Anonymous said...

Galing mo talagang sumagot Kace, hanga talaga ako sayo.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES