Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 29, 2009

Luis Manzano never nagselos kay Piolo

Ang tungkol sa nakaraang away nila ni Angel Locsin at ang pagkakaroon nito ng dengue ang tinanong kay Luis Manzano sa presscon ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Flash Bomba, kung saan for the first time ay gagampanan ng aktor ang papel na superhero.

Ayon kay Luis, hindi nagtagal ang tampuhan nila ni Angel.

“Sabihin nating siguro, nagkaroon kami ng disagreement ng Saturday night, kaya nu’ng Sunday, nakita nating very emotional siya sa ASAP ’09. ’Yun ang pinagmulan ng issue. Siguro, naayos na rin ’yon by Wednesday or Thursday,” sabi ni Luis.

Paano naayos?

“’Yun nga, pumunta siya sa bahay ko na umuulan,” pagbibiro ni Luis. “No, we just had to talk. Siguro ’yung initiative lang to have a good and decent conversation.”

Kung anuman ang naging dahilan ng away at kung bakit niya nasulat sa Facebook account niya ang mga linyang “I’m pissed off and very disappointed” ay ayaw nang i-divulge pa ng aktor.

“At kita n’yo, mas mabilis na naayos if we keep things to ourselves, na kami na lang ang mag-aayos.”

Tulad ng sinabi ni Angel, wala raw third party involved at lalong hindi totoong nagselos siya kay Piolo Pascual.

“Definitely, hindi po totoo. Never akong nagselos kay Pij (tawag niya kay Piolo). Nananahimik si Piolo, nadadamay pa siya.”

Sa YouTube na lang niya napanood ang pag-iyak ni Angel sa ASAP ’09 at kaya naman siya wala roon ay dahil nasa Bataan siya at nagti-taping ng Flash Bomba.

“Ika-clarify ko lang po, kasi some people say na kaya ako wala sa ASAP ’09 ay dahil may pinagdaraanan kami. Hindi po totoo. Beforehand pa, alam kong wala akong ASAP ’09 because may taping kami sa Bataan.

“Ang unang nag-text sa akin, si Mariel (Rodriguez) and tinatanong niya bakit umiiyak si Angel. Ako, wala rin akong alam, kasi nasa Bataan kami. So, nagulat din ako.

“Nun’g gabing ’yon, I checked it on YouTube and tinanong ko nga siya bakit siya umiyak and she chose not to reply. Siguro, dahil nga fresh pa ’yung napag-awayan namin.

“Siyempre, sa nakita mong napaiyak siya on national TV, na may live audience, may TFC, sino ba naman ang matutuwa? Pero siguro, at that point nga, eh, mataas pa ang emosyon naming dalawa.”

Pati raw ang nanay niyang si Batangas Gov. Vilma Santos, tinanong siya kung bakit umiyak si Angel.

“Sabi ko naman ‘who you?’ Hindi, may mom respects my privacy naman. My mom has always said na she never meddled or invaded my relationships or my privacy. She’s there to give advice, pero hanggang doon lang. So, kumbaga, kung alam niyang sasabihin ko, gagawin ko ’yon ng kusa.”

Habang may tampuhan daw sila ni Angel, panay din ang text ng mom niya.

“She was always there constantly to check on me. Never siyang nagkulang na at least thrice a day na text. Papasimple pa ’yan na text na ‘san ka?’ Work. And then, sasabihin niya, ‘Okay. Happy heart? Just asking.’ Ganu’n lang. She was there for me the same way that she was there for Angel.”

Nang ma-hospitalize si Angel, dalawang beses din daw nagpadala ng food ang mommy niya para sa girlfriend niya.

Hiningan namin ng reaksyon si Luis tungkol sa napabalitang karibal niya ang anak ng businessman na diumano’y nagbigay pa ng bahay sa Corinthian Gardens kay Angel.

“Diyos ko naman, nandiyan na ’yung abortion issue, nandiyan na ’yung nagpagawa ng bahay, everything has been thrown at her and she still remains on top. And that goes to show na alam ng tao kung ano ang totoo at hindi.

“Kahit ano pang batikos na binabato sa kanya, kahit ano pang gawa-gawa, at the end of the day, she’s still Angel Locsin, ang dami pa ring nagmamahal at sumusuporta sa kanya. It just goes to show na alam ng tao kung ano talaga si Angel Locsin.

“Nakakatawa lang ’yung rumors. Tumawag siya sa akin para ipaalam ang issue the same way na sa our first breakup issue, siya rin ’yung tumawag sa akin para sabihing ‘uy, nag-break pala tayo.’ ’Yung ganu’n. So, nagugulat kami sa mga balita na completely no basis kung bakit nagkakaroon.”

Klinaro rin ni Luis ang balitang nag-propose na siya kay Angel at kaya sila nag-away ay dahil tinanggihan ito ng young actress.

“Isa pa ’yon. Hindi po ako nag-propose. Kung anuman ’yung kinukunang singsing na suot niya, I believe, pinaghirapan niya ’yon, sa mga pagpupuyat niya. Wala po akong ike-credit sa kahit ano’ng jewelry niya,” say pa ni Flash Bomba.

Anyway, magsisimula na sa Feb. 7 ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Flash Bomba at mapapanood ito every Saturday.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 4:06 PM, Anonymous Anonymous said...

Sana this Sunday lumabas ka S e-Live, ASAP and the BUzz. Alam natin na maganda ang pelikula ni nyo ni Piolo at kumita ito. Sana iannounce na ng Star Cinema kung magkano na talaga ang income nito. Goodluck Angel.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES