Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 30, 2009

May Bukas Pa starts Feb. 2

Feel good ang bagong teleseryeng May Bukas Pa na mapapanood na sa Lunes, Feb. 2.

Sabi ng iba, pang-Holy Week daw ang tema ng teleserye pero sa pana-naw ng ABS-CBN, maganda raw na magbigay ng ganitong panoorin nga-yong panahon ng economic crisis para magbi-gay ng pag-asa sa ating mga kababayan.

Ipinakita rito ang pagbabago ng mga corrupt na politiko, tulad ng character na ginagampanan ni Albert Martinez.

Wish lang namin na panoorin ito ng mga opisyales natin sa gobyerno at sana ay mahaplos ang kanilang mga damdamin ni “Bro” (Jesus Christ) at iwaksi na nila ang pagnakaw nila sa kaban ng bayan para umunlad na ang Pilipinas!

Amen!

* * *

Natutuwa naman kami at kasama sa May Bukas Pa si Maja Salvador kasi na-miss na namin siya nang husto.

Huli namin si-yang napanood sa Kapitan Boom pa early last year.

Now, nagbabalik ang tambalan nila ni Rayver Cruz dito sa May Bukas Pa.

“Actually tuluy-tuloy naman ang trabaho kaya lang wala pang naipapalabas sa mga nasimulan kong mga projects. Gumawa kami ng indie film ni Rayver na Kelly! Kelly! pero pinalabas lang ito sa schools. Ngayon nabalitaan ko sa Star Cinema na ipapalabas na rin ito finally sa mga sinehan.

“Ginawa ko rin ‘yung Moon River kung saan si Geoff Eigenmann ang kapareha ko. Si Geoff ang mas una kong naka-loveteam sa pelikulang First Day High kaysa kay Rayver. Kaya pagbabalik sana ng loveteam naming ni Geoff ito kaso nahinto ang taping naming last October dahil mas uunahin daw na ipapalabas itong May Bukas Pa.

“May ginagawa rin akong movie ngayon with Jake and Bea. Tapos kasama rin ako sa teleseryeng gagawin nina Gabby at Tita LT,” masayang balita sa amin ni Maja.

Balitang nagbabalik sa buhay niya ngayon si Carlo Aquino, pero may tsika ring lumabas na nagpapalipad-hangin din daw si Carlo kay Roxanne Ginoo.

“Yes, Carlo started to call me again after eight months of no communication. Sa ngayon ay nangangapa pa ako ulit. Hindi ko pa alam kung siya ang Valentine’s date ko kasi hindi pa naman niya ako niyaya. At saka mukhang may taping kami ng araw na ‘yun.

“’Yung tungkol naman kay Roxanne, tinext ako mismo ni Roxanne to inform me na nagte-text daw si Carlo sa kanya ngayon. Balewala sa akin ‘yun. Roxanne is a friend. Now, kung gustong ligawan ni Carlo si Roxanne, go!” say ni Maja.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES