Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 20, 2009

No third party, says Angel Locsin

“Wow naman,” ang unang reaksyon ni Angel Locsin nang makausap namin sa telepono kahapon hinggil sa bagong issue na diumano’y may third party on her part sa diumano’y breakup nila ni Luis Manzano at binigyan pa umano siya ng bahay sa White Plains.

Ayon sa write-up ni katotong Ogie Diaz dito sa People’s Tonight, anak daw ng negosyante ang guy at usap-usapan sa neighborhood ng White Plains ang ibinigay na bahay kay Angel.

“Actually, pupunta nga kami sa White Plains para hanapin ang bahay na ’yon,” pagbibiro ni Angel.

Kidding aside, ayon sa bida ng Love Me Again, nagulat na lang siya sa mga naglalabasang issue na may third party involved sa relasyon nila ni Luis.

Ni wala raw siyang kilalang anak ng negosyante tulad ng itsinitsismis sa kanya at hindi niya kilala kung sino ’yon.

Tinanong namin si Angel kung may friend siyang anak ng businessman o kahit kakilala man lang?

Pero say niya, wala raw. Ni hindi na nga raw siya nakakalabas or nakaka-meet ng new friends dahil sa sobrang busy niya.

“Sinabi ko nga agad kay Luis ’yang bagong issue na ’yan. Sabi ko, ‘uy, may nagbigay daw ng bahay sa akin.‘ Nagtatawanan na lang kami,” pahayag pa ni Angel.

So, okay na ba sila ni Luis?

“May mga problema lang nang kaunti na inaayos, pero okay na kami,” she said.

Kung ano ’yung mga problemang ’yon ay ayaw nang idetalye pa ni Angel dahil sa kanila na lang daw dalawa ’yon.

Pero, gusto niyang klaruhin na walang third party sa parte niya o sa parte ni Luis.

Bakit pinalitan niya ang status niya sa Facebook account na “not in a relationship?”

“Wala, ano lang ’yon, confused lang ako nu’ng time na ’yon. Nakita nga rin niya (Luis), eh, tinanong nga ako. Lahat kasi, tinanggal ko, ’yung status, ’yung movies and ’yung iba pang nakalagay du’n, tinanggal ko.

“Tapos, kahapon, pinaglalagyan niya (’yung Facebook account ko) na okay kami, okay kami,” natatawang say ni Angel.

Pero malaki ba ang tsansa na maayos ang relasyon nila?

“Oo naman, maayos. Actually, okay na kami, may mga kaunti lang na inaayos pa,” she said.

Gusto ring iklaro ni Angel na pinaghihirapan niya ang kinikita niya at hindi siya ang tipo ng babae na papatol sa mayaman para lang magkaroon ng bahay at materyal na bagay.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES