Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 04, 2009

Parekoy, kauna-unahang komediserye

May bago ng katatawanan mula sa pinakabagong barkada sa Kapamilya Network — ang Parekoy.

Mapapanood simula bukas, January 5, pagkatapos ng Wowowee, binubuo ang kauna-unahang komediserye ng ABS-CBN nina Zanjoe Marudo (ang PApabol na si Mario), John Prats (REsponsableng Joseph) at Jayson Gainza (KOYabol Jess). Sundan ang mga nakababaliw na kalokohan ng Parekoy guys at alamin ang lihim na itinatago ng kanilang pagkatao. Mapanindigan kaya nila ang kanilang pagkakaibigan?

Bukod sa mga nakakaaliw na mga pagdadaanan ng magkakabarkada, kapana-panabik ding sundan ang kanilang buhay pamilya. Ang macho at takot sa bading na si Mario, mabaliw kaya ’pag nalaman niya ang itinatago ng kanyang ama? Paano naman kaya haharapin ni Joseph ang pagiging mabuting kapatid sa kanyang mga kapatid na lahat ay babae? Makakalusot naman kaya si Jess sa kanyang pagiging under de saya sa kanyang misis?

Sa direksyon nina Randy Santiago at Quark Henares, ang Parekoy ang magsisilbing bonding time ng mga mag-totropa at magkakapamilya tuwing hapon. Matutuklasan na pwedeng tumawa kahit may nakakaiyak na mga eksena. Abangan!

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES