Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 15, 2009

Ronnie Liang mapagbigay sa matatanda

SI Ronnie Liang na lang yata ang naiwan sa grupo niya. Multi-talented kasi siya -- marunong nang umarte, magaling pang kumanta.
Maski sa ibang bansa na may TFC ay madalas siya ang binabanggit sa amin ng mga kababa­yan natin.

Kaya madalas na siya ang aming inirerekomenda sa mga produ­cer doon. Hindi lang namin alam kung madaling kausap ang manager nito.

Si Ronnie ay isa sa mga magagaling na singers ng ABS-CBN na regular sa ASAP. Kasama rin siya sa sa mga telenobela ng istas­yon.

Maski iniintriga siya kay Sarah Geronimo ay hindi nabago ang pagtingin sa kanya ng magaling na singer, bagkus mabait sa kanya pati ang mga magulang nito.
Ikinatuwa pa ni Ronnie nang i-renew ng Universal Records ang kontrata niya at may bagong album siyang gagawin.
Naka-gold ang album niya noon na ikinatuwa ng Universal.
Sobra ang pasasalamat ni Ronnie sa maraming biyayang natatanggap niya kaya ibinabalik niya ang ilang kinita niya sa kawanggawa kahit hindi siya milyonaryo.
Ang sa kanya ay ma­kapag-share ng blessings lalo na sa mga kapus-pa­lad.
Ganyan ang gagawin niya muli sa kanyang kaa­rawan sa katapusan ng Enero.
***
Minsan ay may napanood si Ronnie sa programa ni Karen Davila na isang matandang naghihikahos.
Sa tulong ni Karen ay agad niyang pinuntahan ito.
Awang-awa siya sa matanda na kasama ang ilang kaanak ay iisa ang pinggan at lahat sila ay doon kumakain.
Dali-dali siyang nagpabili ng mga kagamitang pangkusina para magamit ng pamilya.
Naawa rin si Ronnie sa isang matandang babae sa Laguna na matapos alagaan ang mga apo hanggang sa lumaki ay binawi ng mga magulang at iniwan siyang mag-isa sa isang maliit na kubo na lupa ang sahig sa gitna ng palayan. Natulungan din niya ito.
Nabalitaan na lang niya na binalikan ito muli ng mga apong pinalaki.
Kaya naniniwala kami sa mga kasabihang kapag tumulong ka sa mga nanga­ngailangan ay buma­balik ito sa tumulong.
Noon daw ay sa ilalim ng puno ng santol nagno-noche buena sina Ronnie pero ngayong may sarili na siyang bahay na ipinatayo ay maganda na ang lugar ng kanilang noche buena.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES