Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 22, 2009

Roxanne Guinoo nagka-trauma kay Jake Cuenca

NAKAUSAP namin si Roxanne Guinoo sa taping ng Banana Split, ang kinabibilangan niyang gag show sa ABS-CBN.

Ikinuwento niya sa amin ang paghaharap nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca nang muli silang magkatrabaho at magkasama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

"Noong una kaming nagkita sa set, awkward," panimula ni Roxanne. "Pero, nang magtagal, nag-usap na kami. Siya ang unang gumawa ng way para magka-usap kami."

Nag-sorry raw si Jake kay Roxanne. Sa ngayon ba ay masasabi niya na friends na ulit sila ni Jake?

"Hindi naman namin kailangang maging super friends," sagot ng da-laga. "Basta okey na ka-mi ngayon. Open na ako na muli siyang makatrabaho. Kung may offer ulit na pagtatambalin kami, tatanggapin ko pa rin."

Nang una bang i-offer sa kanya ang Maalaala Mo Kaya at malaman niya na si Jake ang makakatam-bal, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ito since hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni ng dating BF at may bugbugan isyu pa sa kanila?

"Ay hindi," mabilis na sagot ni Roxanne "Kasi ako, gusto ko lang talagang magtrabaho nang magtrabaho. At saka maganda ‘yong role. Sayang kung palalampasin ko. And one more thing, gusto ko talaga ng drama. Kaya nga sana, mabigyan ulit ako ng serye ng ABS-CBN."

Ngayong okey na sila ni Jake, posible bang magkabalikan sila? Meaning maging magkasintahan ulit? Papaano if humingi ng second chance si Jake?

"Ay, hindi na siguro. Okey na ‘yong ganito na lang kami. Basta okey na kami ngayon, hanggang doon na lang ‘yon. Wala nang balikan na mangyayari. Napakarami ko nang chance na ibinigay sa kanya."

Tipong nagka-trauma si Roxanne sa pakikipag-relasyon kay Jake. Ngayon, ayaw na ba niyang makipagbalikan sa ex-BF dahil may bago ba siyang minamahal?

"May mga nanliligaw, pero wala pa akong sinasagot. Siyempre, tumatanggap ako ng suitor. Ayoko namang tumandang dalaga," tawa niya.

Puro non-showbiz daw ang nanliligaw ngayon kay Roxanne.

Kumusta na ba sila ni Carlo Aquino na na-link sa kanya noon?

"Ewan ko doon, hindi na nga siya nagpaparamdam. Minsan tinext ko siya, pero dedma. Hindi siya sumagot," saad ni Roxanne.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES