Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 23, 2009

Ruffa Gutierrez to write a book about her life story with Yilmaz Bektas

FOR this year, may malaking project palang pinaplano si Ruffa Gutierrez.

Gusto raw niyang isalibro at isapelikula ang life story nila ni Yilmaz Bektas dahil alam niyang marami raw leksyon na matutunan ang mga kababaihan sa kanyang karanasan.

Hiningi raw niya ang permiso ni Yilmaz tungkol dito at pumayag naman daw ang estranged husband.

“He even gave the title, The Man with Two Faces. Sabi ko, teka muna, siya ang bida, ’no? Baka palitan ko ang title,” she said.

Sa nasabing libro ay isusulat daw niya ang kanyang bersyon, pero kung gusto rin naman daw magbigay ng sariling side ng asawa ay okay din.

“And it’s not all bad naman, there’s a lot of really good things na mapupulot dito and there’s a lot of love, kasi kung walang love, wala kaming Lorin at Venice (their two kids).”

Siguro raw, libro muna ang mauuna and then to follow ang movie. Kung gagawing pelikula, wala pa raw siyang naiisip na aktor para gumanap na Yilmaz, pero on her part, siya na raw mismo ang gaganap.

“I will play myself but I don’t know kung sino ang magiging Yilmaz, I have to look pa, but he has to be a really good actor. At saka, kailangan ay machung-macho.

“Pero definitely, gusto ko ay Pinoy ang gaganap na Yilmaz para maka-relate ang Filipino viewers.”

Nang tanungin kung marami ba siyang shocking revelations dito, aniya, marami pang hindi alam ng publiko.

Pero, klinaro niyang hindi niya ito gagawin para ma-shock ang mga tao, kundi para may matutunan mula sa kanilang kuwento.

“At saka I’ll be publishing the never-before-published-letter sa amin when he was in custody after the shooting,” pahayag pa ni Daniella ng I Love Betty La Fea.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES