Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 08, 2009

Sarah Geronimo biggest star ng Viva

SI Sarah Geronimo ang biggest star at the moment sa bakuran ng Viva Films kaya naman hindi kataka-taka kung pagtuunan siya nang pansin ng kompanya.

Posibleng si Sarah ang tanghaling box-office queen ng 2008 dahil blockbuster ang launching film niyang A Very Special Love na pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz.

Unless, matalbugan ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ni Ai Ai de las Alas ang kita ng movie nina Sarah at John Lloyd.

Bagaman pinagduduhan ang kapasidad ni Sarah na humatak ng filmgoers, pinatunayan naman nito ang kakaibang karisma sa takilya ng kumita nang malaki ang A Very Special Love.

Ayon kay Boss Vic (del Rosario) ng Viva Films, P180 million ang kinita ng A Very Special Love, the highest among the launching films ng iba’t ibang young actress, kabilang na si KC Concepcion na nakatambal naman ni Richard Gutierrez sa For the First Time.

Going back to Sarah, bago natapos ang 2009 ay nakapaglabas ng bagong album ang Pop Princess titled OPM Sarah Geronimo.

Kasama rito ang theme song ng Baler na may titulong Ngayon, Bukas at Kailanman.

Also in the album are the songs Ikaw Ang Aking Pangarap (theme song ng telenobelang Lobo), Kailangan Kita, Kung Ako Na Lang Sana, Minsan, Pers Lab, Bituing Walang Ningning at marami pang iba.

Ginagawa na rin ni Sarah ang You Changed My Life, ang bagong pelikulang pagtatambalan nila ni John Lloyd, na nakatakdang magbukas sa mga sinehan sa February 25.

Sa March ay magkakaroon ng US concert tour si Sarah titled The Next One, kung saan makakasama niya sina Billy Crawford, Charlie Green at Mark Bautista.

Hanggang April ang tour na lilibot sa 14 cities sa Amerika.

Sa Mayo ay isang provincial tour naman sa Pi-lipinas ang kanyang gagawin.

Ang major concert niya sa Araneta Coliseum ay magaganap sa November.

Pero bago ito ay gagawa muna siya ng pelikula with Piolo Pascual.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES