Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, January 19, 2009

Sarah Geronimo tambak ang nominasyon sa MYX

Si Sarah Geronimo ang may pinakamaraming nominations sa MYX Music Awards 2009 na gagawin sa February 26, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN. Anim ang nominations niya at sigurado naman, kundi man lahat, isa o dalawang awards ang iuuwi niya.

Nominado si Sarah sa Favorite MYX Celebrity VJ at kalaban niya rito sina KC Concepcion, Kim Chiu & Gerald Anderson, Sam Concepcion at Vhong Navarro.

Nominated din ang A Very Special Love sa Favorite Media Soundtrack and the same song ay pasok sa mga nominee ng Favorite Remake at Favorite Mellow Video. Kalaban ni Sarah sa Favorite Mellow Video ang Kung Sakali ni Ogie Alcasid, Now ng MYMP, Tell Me That You Love Me ni Regine Velasquez at The One Who Won My Heart ni Christian Bautista.

Pasok din sa mga nominado sa Favorite Collaboration ang I’ll Be There nina Sarah at Howie Dorough at malakas din ang laban niya sa Favorite Female Artist category. Sina Kyla, Rachelle Ann Go at Regine naman ang kalaban niya rito.

Tiyak na ring lalaban si Sarah at si John Lloyd Cruz sa Box-Office King and Queen title ng GMMSFI dahil pa rin sa box-office success ng A Very Special Love. Mukhang hahataw din sa awards this year ang singer-actress.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES