Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 20, 2009

Sharon Cuneta sobrang proud sa talent ni KC

BAGUHAN pa lang sa showbiz si KC Concepcion, pero akala mo datihan nang umaarte sa small at big screen.

Maging sa live shows, kitang-kita kay KC ang kasiglahan sa field na pinasok niya.

Kahit ang nanay niyang si Mega ay bilib sa kakayahan ng kanyang anak.

“Hindi ako katulad ni KC nang nagsisimula pa lang ako sa showbiz. Although 22 years old na siya nang pumalaot sa showbiz, ‘di gaya ko na bata pa’y kumakanta na ako. Ang ikinabilib ko kay KC, malakas ang loob niya. Sobrang tapang! Mga delikadong stunts sa ere kayang-kaya niya. Maraming bagay na ginagawa ang anak ko ang nakagugulat! Tuwing birthday ko, laging may sorpresa ‘yan. Mga sorpresang lagi akong nabibigla? Ibang klase si KC! Nakakabilib ang anak kong ‘yan kaya proud na proud ako sa kanya!”puri ni Sharon sa kanyang lovely daughter.

Lahat na yata ng mga katangiang taglay ng isang baguhang nag-aartista ay nasa kay KC nang lahat. Matangkad, maganda, matalino, sexy.

Ano ang sekreto ng kagandahan ng isang KC Concepcion?

“Ten years nang ang inuulam ko ay pure vegetables. Isa akong vegetarian kaya hindi ako tumataba. Gradual ang pagiging vegetarian ko. Tinanggal ko na ang pagkain ng pork, beef at chicken. Mostly ay fruits, vegetables, fish, milk and cheese, kasama na d’yan ang chicharong tofu at vegetarian barbecue. Lasang karne rin ito, pero hindi nakatataba. Iyan ang sekreto ng pananatiling nasa magandang hubog ang katawan ko. Iwinaglit ko na rin ang pagkain ng rice,” sey ng star ng When I Met You katambal si Richard Gutierrez directed by Joel lamangan.

Nang itanong namin kay KC kung ano talaga ang totoo sa kanila ni Richard, umiling lang ito at sabay sabing: “Noon pa naman ay nagpaparamdam na ‘yan(Richard) pero talagang hanggang best of friends lang kami. Ayoko munang umibig ngayon dahil ayoko nang masaktan ulit. Sa ngayon, career muna. Saka na ang lovelife. Masaya ako sa career ko, sa achievements ko bilang isang artista!”

Ang sinasabing nakasakit nang husto kay KC ay ang pakikipagrelasyon niya kina Direk Lino Cayetano at Rico Blanco. Lalo na raw kay Rico, nag-break sila nang may hinanakitan.

Anyway, posibleng sa darating na panahon ay mahalin na rin niya si Richard.

O, baka naman si Piolo Pascual na balitang puspusan ang panliligaw ngayong kay KC.

Magtatambal sila sa bagong pelikula ng Star Cinema at nagpahaging na si Piolo ng “makakatambal ko rin ang matagal ko nang crush.”

Malapit nang mag-24 years old si KC at sinabi nitong pagsapit niya ng 25, saka lang ulit siya maghahanap ng tamang lalaking mamahalin.

“Career ko muna ang priority ngayon. Ang tanging wish ko ngayon ay mag-tagumpay ulit ang pangalawang movie namin ni Richard, ang When I Met You intended for Valentine showing. Magkita-kita tayo sa araw ng pagpapalabas nito,”apela ni KC.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES