Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 03, 2009

Tayong Dalawa updates

Sa MTV at trailer ng Tayong Dalawa na kasalukuyan nang ipinapakita sa ABS-CBN, mukhang magpapatalbugan sa pag-arte at exposure ang tatlong bida na sina Gerald Anderson, Kim Chiu at Jake Cuenca.

Pero ayon kay Jake nang huli naming makausap, wala raw patalbugan na nangyari pagdating sa exposure, dahil pantay-pantay lang sila.

May weeks daw na sina Gerald at Kim ang ipinakita at meron din namang sila lang ng young actress.

Pati raw sa ending, sinigurado nila na masisiyahan ang lahat at walang madedehado.

Masarap ding abangan sa serye ang maturity nina Gerald at Kim, hindi lang bilang magka-loveteam, kundi bilang aktor at aktres.

Hindi na sila pa-tweetums lang tulad ng dating nakikita sa kanilang dalawa kundi seryosong papel na talaga.

Napanood namin the other night ang MTV ng serye with Lani Misalucha singing the love theme, Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Panalo ang music video dahil ang ganda-ganda ng pagkakakanta ng tinaguriang Asia’s Nightingale.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES